Jackpot ng Grand Lotto lalagpas ng P270M | Bandera

Jackpot ng Grand Lotto lalagpas ng P270M

Leifbilly Begas |July 28,2016
facebook
share this

Jackpot ng Grand Lotto lalagpas ng P270M

Leifbilly Begas - July 28, 2016 - 04:17 PM
lotto for site Inaasahang lalagpas sa P270 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola nito sa Sabado.      Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumaya sa lumabas na winning number combination na 23-44-28-12-4-13 sa bola noong Miyerkules ng gabi.      Nanalo naman ng tig-P77,180 ang 31 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P830 naman ang 2,301 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P20 taya ng 43,449 mananaya na nakatatlong numero.      Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para ipapalit ang kanilang mga tiket.      Noong Marso pa huling tinamaan ang jackpot ng Grand Lotto. Nagkakahalaga ito ng P59.7 milyon at isa lamang ang nanalo. Tumaya ito sa lotto outlet sa Batangas.      Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending