GMA dedma sa 'hi' ni Noy | Bandera

GMA dedma sa ‘hi’ ni Noy

|July 28,2016
facebook
share this

GMA dedma sa ‘hi’ ni Noy

- July 28, 2016 - 03:16 PM

gma-pinoy

ITINANGGI ng kampo ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na inisnab niya si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos magkaharap sa Malacanang nang kapwa dumalo sa ipinatawag na National Security Council (NSC) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ng source na tumanggi nang magpakilala na tapos na ang ibinigay na photo opportunity para sa mga cameraman at photographer nang tangkaing batiin ni Aquino si Arroyo.

“Di totoong inisnab ni PNoy si GMA.  si PNoy pa ang nag-hi kay GMA sa NSC. Sila-sila na lang, mga presidente at opisyal ang naroon. Nung nag-hi si PNoy, di siya kinibo ni GMA. Parang asiwa pa ang mukha,” sabi ng source.

Nauna nang iniulat na dinedma ni Aquino si Arroyo matapos dumating sa Palasyo at makipagkamay sa mga dating pangulo ng bansa at kay Duterte.

Matatandaang sa administrasyon ni Aquino isinulong ang mga kasong plunder laban kay Arroyo at na-hospital arrest pa ito ng mahigit apat na taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending