Ika-7 diretsong panalo target ng San Beda Red Lions | Bandera

Ika-7 diretsong panalo target ng San Beda Red Lions

Angelito Oredo |July 28,2016
facebook
share this

Ika-7 diretsong panalo target ng San Beda Red Lions

Angelito Oredo - July 28, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
10 a.m. JRU vs Letran  (juniors)
12 n.n. San Beda vs Mapua (juniors)
2 p.m. JRU vs Letran (seniors)
4 p.m. San Beda vs Mapua (seniors)
Team Standings: San Beda  (6-0); Mapua (5-1); Perpetual Help (4-2); Arellano (4-2);
Letran (4-2); Lyceum (3-3); JRU (2-3); EAC (1-5); San Sebastian (1-5); St. Benilde (0-6)

IKAPITONG sunod na panalo ang hangad ngayong hapon ng nagsosolo sa liderato na San Beda College Red Lions sa pagsagupa sa karibal sa liderato na Mapua Institute of Technology Cardinals sa pinakatampok na salpukan sa pagpapatuloy ng 92nd NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Una munang magsasagupa ang patuloy na nangangapa na Jose Rizal University Heavy Bombers at ang nagtatanggol na kampeong Letran Knights sa ganap na alas-2 ng hapon bago sundan ng salpukan ng nasa ikalawang puwesto na Mapua at ang nasa unahan na San Beda sa ganap na alas-4 ng hapon.

Huling tinalo ng San Beda ang Arellano University Chiefs, 101-86, tampok ang 31 puntos mula kay Davon Potts habang nagdagdag din si Donald Tankoua ng 28 puntos para sa Red Lions upang masungkit ang ikaanim na sunod na panalo.

Binigo naman ng Cardinals sa huli nitong laro ang San Sebastian College Stags, 88-75, upang mapaganda ang kartada nito sa 5-1 panalo-talo at masolo ang ikalawang puwesto.

Samantala, tinalo ng University of Perpetual Help Altas ang College of St. Benilde Blazers, 70-55, habang binigo ng Arellano ang Emilio Aguinaldo College Generals, 88-82, nitong Martes upang makisalo sa tatlong koponang ikatlong puwesto kasama ang Letran.

Pilit na babangon ang Letran na nabigo sa huli nitong laban kontra sa Perpetual, 61-55.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending