Bong vs. Coco sa life story ni PNP Chief Bato | Bandera

Bong vs. Coco sa life story ni PNP Chief Bato

Julie Bonifacio |July 28,2016
facebook
share this

Bong vs. Coco sa life story ni PNP Chief Bato

Julie Bonifacio - July 28, 2016 - 12:15 AM

coco martin at bong revilla

WISH ni former Sen. Bong Revilla na makalabas na siya ng PNP Custodial Center sa Camp Crame bago sumapit ang kanyang kaarawan sa Sept. 25. Kapag nangyari ‘yun, saka na niya iisipin kung saan siya magse-celebrate ng kanyang ika-50 taon.

Yes, Ka Ervin! Golden boy na si ex-Sen. Bong on his birthday. Isa si Bong sa maraming celebrities na nag-50 this year, kasama na riyan si Megastar Sharon Cuneta. Tila nabuhayan ng pag-asa si Bong na makakalaya rin sila ni Jinggoy tulad ni ex-Pre- sident Gloria Arroyo na na-hospital arrest for more or less five years during President Duterte’s administration..

Si Bong ay naka-detain sa PNP Custodial Center sa Camp Crame simula pa noong June 20, 2014. Three days after, si ex-Sen. Jinggoy naman ang sumunod kay Bong sa nasabing detention center. Magandang birthday gift nga naman kay Bong kapag “nabendisyunan” din sila ng kalayaan ni Duterte.

At sa paglaya ni Bong, may mga nagsasabi na dapat ay gawin niya ang life story ng sikat na nga- yong PNP Chief na si Ronald “Bato” dela Rosa. Bagay na bagay daw kay Bong ang role bilang si Chief Bato. Pero ang tanong, okey ba kay Sen. Bong ang magpakalbo gaya ni Chief Bato?

Never pa raw nagpakalbo sa pelikula si Bong kaya hindi rin niya alam kung ano ang hitsura niya kapag wala siyang buhok kaya siguradong magiging challenging ito para sa kanya. Nabanggit din ng ilang kausap namin na kapag ginawa raw niya ang movie about PNP Chief Bato, bagay daw na theme song at title na rin nito ang sikat na kantang “Pusong Bato.”

Although, hindi naman daw pusong bato si Bong kundi pusong mamon. Malambot daw kasi ang puso nito sa lahat ng mga lumalapit sa kanya. Trademark na ni Bong at ng Revilla clan ang pagiging matulungin at gene- rous.

‘Yun, oh. Ayaw ni Coco Martin. Ha-hahaha! Speaking of Coco, may balita na interesado siya na gumanap din bilang si Chief Bato sa pelikula. Very open si Coco sa kanyang paghanga sa heneral.

Well, may the best man wins na lang between Bong and Coco kung kanino sa kanila mapupunta ang kwento ng buhay ni PNP Chief Bato sa pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending