Jason, Melai naghiwalay na; Sinisi si Carlo | Bandera

Jason, Melai naghiwalay na; Sinisi si Carlo

Alex Brosas |July 27,2016
facebook
share this

Jason, Melai naghiwalay na; Sinisi si Carlo

Alex Brosas - July 27, 2016 - 04:08 PM
melai at jason francisco IT’S sad na nauwi na nga sa hiwalayan ang mag-asawang sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Selos ang dahilan kung bakit sila naghiwalay. Inamin naman ni Jason na nagselos siya sa kapartner ni Melai sa We Will Survive na si Carlo Aquino. Sa post niya sa Twitter account ng kanyang anak, ipinaliwanag ni Jason na noong una ay merong agreement sila na walang magiging partner si Melai sa soap niya. Kalaunan, nagkaroon ng leading man si Melai, bagay na ikinaselos niya kaya lagi na lang daw silang nag-aaway. “Hanggang sa dumating ang punto na nanlalamig na kaming mag-asawa sa isa’t isa, ‘di na nagpapansinan sa bahay. Hanggang sa ako’y sa kabilang kwarto na natutulog. Almost two months na kaming ganun. Ako’y iyak ng iyak parati, di pa ako nakaranas ng ganoong iyak sa buong buhay ko, sa lungkot na nangyayari sa amin, hanggang sa dumating na parati na kaming nag-aaway,” say ni Jason. “Nagkahiwalay na po kami. Wala na po ang Melason. OA (over acting) po ako magmahal sa asawa ko dahil di po ako showbiz eh, sa akin lang ay dapat may isinasangalang-alang ka, dahil po iba-iba po tayo ng sitwasyon sa buhay,” dagdag pa niya. The last time we interviewed Melai, sinabi nitong ipaglalaban niya ang kanyang pag-ibig kay Jason. Nagsumpaan sila sa altar kaya hindi niya hahayaang maghiwalay sila. We hope na maayos pa nina Melai at Jason ang kanilang problema, kahit for the sake of their daughter na lang.
jason 1new jason 3 jason 5

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending