Glaiza bilang anak ni Marian sa Encantadia: Ang weird lang! | Bandera

Glaiza bilang anak ni Marian sa Encantadia: Ang weird lang!

Ervin Santiago |July 27,2016
facebook
share this

Glaiza bilang anak ni Marian sa Encantadia: Ang weird lang!

Ervin Santiago - July 27, 2016 - 12:15 AM

glaiza de castro at marian rivera

SA lahat ng mga sumusubaybay sa Encantadia sa GMA Telebabad, sa episode ngayong gabi, lalabas na ang mga karakter nina Glaiza de Castro bilan Pirena, Sanya Lopez as Danaya, Kylie Padilla bilang Amihan at Gabbi Garcia as Alena.

Tutukan kung anu-ano nga ba ang nangyari sa paglaki ng apat na Sang’gre ng Encantadia at kung paano sila magkikita-kita muli. Sa pagpapatuloy ng kuwento ngayong gabi, ipakikilala na ni Mine-a (Marian Rivera) kay Amihan ang kaniyang mga kapatid. Ibabalita ni Gurna (Vaness del Moral) kay Hagorn (John Arcilla) na buhay pa rin ang batang kaniyang pinaslang.

Hindi tatanggapin ni Pirena si Amihan bilang kapatid. Pagsasabihan ni Mine-a si Amihan na ‘wag pairalin ang galit sa puso niya, na hindi sagot ang karahasan sa anumang problema. Ipagpipilitan ni Gurna sa isipan ni Pirena na mas mahal ni Mine-a si Amihan. Sasaktan ni Pirena si Amihan. Susugurin ni Agane (Rochelle Pangilinan) ang mga batang Sang’gre sa Lireo. Pipigilan ni Hagorn ang pananakit kay Pirena.

Kakausapin naman nina Imaw at Aquil (Rocco Nacino) si Mine-a na hayaan ang mga anak nito mag-sanay sa pakikipaglaban. Aaminin ni Hagorn kay Agane na anak niya si Pirena. At magdadalaga na nga ang mga Sang’gre!

Samantala, sinabi ni Glaiza na medyo awkward nga ang pagiging mag-ina nila ni Marian sa Encantadia, “Sino ba ang mag-aakala na magiging nanay ko siya sa isang serye at anak naman niya ako? Medyo ang weird lang ng feeling.”

Marami raw silang highlights ni Marian sa serye, “Pero ang hindi ko makakalimutan yung isang eksena namin together na medyo challenging scene yun. Ito yung heart ng show. Ito yung isa sa biggest scenes ng Encantadia. “Na-miss ko siya kasi yung kind ng relationship na meron kami as actors, yun yung gusto ko ma-develop sa amin ng mga bagong kasama ko. Tinginan lang alam mo na sinusuportahan ka.

Nagkakaintindihan na kayo sa tinginan na yun na, ‘Kailangan mo ba ng support sa eksenang ito? Kasi bibigyan talaga kita.’ Ganu’n siya bilang actor,” sey pa ni Glaiza. Isa si Marian sa mga itinuturing na totong kaibigan ni Glaiza sa showbiz, “Si Marian kasi isa sa mga sincere na tao na nakilala ko. So far, wala pa ako naka-close na hindi sincere.

“Yung aura niya may perception na isa siya sa primetime actresses, untouchable, intimidating or kung ano man negative issues surrounding her. Minsan, nandu’n yun, e, hindi mawawala sa isip mo. Pero masasabi ko na kapag kailangan mo siya, maaasahan mo siya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending