Karla, Melai, Jolens takot na takot sa pagbabalik ni Kris? | Bandera

Karla, Melai, Jolens takot na takot sa pagbabalik ni Kris?

Ervin Santiago |July 27,2016
facebook
share this

Karla, Melai, Jolens takot na takot sa pagbabalik ni Kris?

Ervin Santiago - July 27, 2016 - 12:30 AM

melai karla at jolina

HINDI kinakabahan o natatakot si Karla Estrada sa pagbabalik ni Kris Aquino sa ABS-CBN. May chika kasi na muling mapapanood ang TV host-actress sa morning slot ng Kapamilya network.

Umeere ngayon ang morning show ni Karla na Magandang Buhay sa ABS kasama sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal sa dating timeslot ng Kris TV at ang chika nga, papalitan na raw ito ng bagong morning travel show ni Kris.

Sa panayam ng ABS-CBN sa nanay ni Daniel Padilla, wala raw rason para mag-alala siya o matakot na baka tigbakin na ang kanilang programa.

“Kung ako, hindi ako nag-aalala, ewan ko lang sa lahat. Kung nasaan man kami ngayon, kung ano man ang trabaho, ‘yun po ay ibinigay sa amin bilang kasama sa kontratang pinirmahan namin sa (ABS-CBN). Lahat ‘yon ay trabaho at ang nagde-desisyon noon ay boss,” esplika ni Karla.

Sinabi pa ng TV host-singer na masaya siya sa pagbabalik ni Kris sa TV at hindi totoong nate-threaten sila nina Melai at Jolens dahil baka palitan na agad ang show nila ng programa ng Queen Of All Media.

“Nakita n’yo naman kami, kapag napapanood niyo ang Magandang Buhay para lang kaming nagsisipaglaro doon, o di ba? Okay kami, masaya,” chika pa ni Karla.

Naniniwala rin ang TV host na alam ng management ang kanilang ginagawa at kung totoo man na papalitan na ang Magdandang Buhay ng bagong show ni Kris, desisyon daw iyon ng network at hindi na nila iyon kontrolado.

“I’m sure alam ng ABS-CBN kung saan din kami magandang ilalagay. Ngayon pa nakakatuwa na namamayagpag kami sa rating. Pero talagang tuwang-tuwa sila kasi ngayon lang nag-rate ng ganoong kataas ang morning show, pumapalo kami ng 10% pataas, minsan nagdo-dose,” pagmamalaki pa ni Karla.

In fairness naman sa Magandang Buhay, talagang pinapanood din namin ito tuwing umaga, bago kami pumasok. Pamba-good vibes lang kasi ang mga episode ng programa. Tawa rin kami nang tawa kapag nag-aasaran na sina Karla at Melai on air na isa rin sa ibaabangan ng viewers.

Kaya hindi kami nagtataka kung bakit parami nang parami ang tumututok sa Magandang Buhay. At naniniwala kami na hindi tatanggalin ng ABS-CBN ang isang programa na talagang pinapanood ng madlang pipol at tinututukan ng mas maraming Pinoy every morning.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending