Maine nakipag-selfie sa fan kahit nasa kalye | Bandera

Maine nakipag-selfie sa fan kahit nasa kalye

Jun Nardo |July 27,2016
facebook
share this

Maine nakipag-selfie sa fan kahit nasa kalye

Jun Nardo - July 27, 2016 - 12:01 AM

maine mendoza

UMIRAL ang kabaitan sa fans ni Maine Mendoza pati na ang kanyang ama na si Teodoro Mendoza matapos mag-viral ang isang photo sa social media na kuha sa isang kalsada.

Ayon sa nag-post ng litrato, patawid na sila ng kanyang ama sa kalsada nang makita sila ni Maine na talagang nagbaba pa ng bintana ng kanyang sasakyan.

“Tuloy, nakapag-request kami ng picture kay Maine. Mabait din po ang father niya dahil nu’ng marinig na nag-request kami, sinabi niyang itatabi lang daw niya saglit ‘yung sasakyan,” saad ng fan ng Dubsmash Queen.

Kung hindi kami nagkakamali, ito ‘yung gabing nagpunta sa Zirkoh Comedy bar sina Maine upang panoorin ang show nina Jose Manalo, Wally Bayola at EB Babes. First time niyang napanood ang kanyang mga “lola” sa comedy bar at ang EB Babes na madalas niyang nakakasama sa production numbers sa Eat Bulaga.

Pasimple man silang dumating sa Zirkoh, hindi rin nakaligtas si Maine sa staff at mga stand-up comedians/hosts pati sa ilang guests doon na nag-request na makapagpa-picture sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending