Kilalang male personality unti-unting nauubos ang yaman, adik na adik sa sugal | Bandera

Kilalang male personality unti-unting nauubos ang yaman, adik na adik sa sugal

Cristy Fermin |July 26,2016
facebook
share this

Kilalang male personality unti-unting nauubos ang yaman, adik na adik sa sugal

Cristy Fermin - July 26, 2016 - 12:20 AM

BLIND ITEM MALE 0513

UNTI-UNTI nang nababawasan ng laman ang dating makapal na bulsa ng isang kilalang lalaking personalidad. Inaasahan na ‘yun ng marami lalo na’t meron siyang pinagkakaabalahang bisyo ngayon na siguradong pagsisisihan niya sa bandang huli.

Dati nang bisyo ng male personality ‘yun, pero mas madalas siyang magsugal ngayon, siguro’y du’n na lang niya inilalabas ang maraming kabiguan niya sa buhay at sa pinasok niyang karera.

Kuwento ng aming source, “Kung dati, e, medyo nagpapalampas pa siya nang ilang araw bago siya bumalik sa sugalan, ngayon, halos du’n na siya nakatira. Wala na siyang uwian kadalasan.

“Malakas siyang magsugal, wala siyang pakialam, lalo na kapag naghahabol siya ng talo. Nu’n nga, e, naitataya niya pati ang sasakyan niya, di ba? Umuuwi siya nang naka-taxi na lang.

“Marami kasi siyang sama ng loob ngayon, may mga kaibigan siyang nagtraydor sa kanya, iniwan siya sa ere. ‘Yun ang ikinasasama niya ng loob na idinadaan na lang niya ngayon sa pagsusugal,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

May mga nagsasabi naman na ipinatikim lang sa kanya ng kapalaran ang mapaklang karanasan na hinding-hindi niya makakalimutan. Ganu’n din kuno kasi ang ginagawa niya sa isang taong dapat niyang tanawan ng utang na loob pero sinaktan pa niya.

“Sa totoo lang, ganyan din kasi ang ginawa niya sa isang kasamahan niya na tumulong nang todo sa kanya nu’n. Pero ano’ng ginawa niya? Pailalim niyang kinalaban ang tumulong sa kanya. Ano ngayon ang maitatawag sa nangyari sa kanya?

“Bradly Guevarra, kilalang-kilala mo siya, dahil totoong-totoo, parang basurang iniiwasan ngayon ang male personality na itey,” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending