Meg wagi ng P1-M sa Minute To Win It, pinatumba si Kiko | Bandera

Meg wagi ng P1-M sa Minute To Win It, pinatumba si Kiko

Ervin Santiago |July 26,2016
facebook
share this

Meg wagi ng P1-M sa Minute To Win It, pinatumba si Kiko

Ervin Santiago - July 26, 2016 - 12:30 AM

meg imperial

UNANG linggo pa lang ng nagbabalik na Kapamilya game show na Minute To Win It ngunit nakapagbigay na ito ng jackpot prize na P1 milyon dahil sa pagkakapanalo ng aktres na si Meg Imperial noong Biyernes.

“Sobrang thankful ako. Hindi ko akalain na mananalo ako ng P1 milyon kasi sabi ko, eenjoy-in ko lang ‘to kasi first time kong ma-invite dito, at ito pa ang nangyari,” pahayag ni Meg.

Para sa kanyang Ultimate Challenge, kinailangang makumpleto ni Meg sa loob ng isang minute ang challenge na Office Fling, kung saan gagawing tirador ang goma na nakakabit sa nakatumbang upuan para maipatong ang tatlong piraso ng papel sa isang mesa.

Nag-uwi si Meg ng total cash prize na P1,070,000 matapos makatapat sa Head-to-Head Challenge ang indie actor na si Kiko Matos.

Samantala, mainit namang tinanggap ang pagbabalik ng pinaka-exciting na game show sa bansa, ayon sa datos ng Kantar Media. Panalo ang pilot episode nito noong Lunes (Hulyo 18) at nagtala ng national TV rating na 16.8% laban sa Wowowin ng GMA (12.8%).

Sa pagpapatuloy naman ng linggo, tuloy-tuloy ang pagtaas nito sa ratings at consistent na nagwawagi laban sa kalaban nitong programa.

Huwag palampasin ang Minute To Win It simula mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending