Christian di mahilig magregalo sa dyowa: Service ang binibigay ko! | Bandera

Christian di mahilig magregalo sa dyowa: Service ang binibigay ko!

Ervin Santiago |July 25,2016
facebook
share this

Christian di mahilig magregalo sa dyowa: Service ang binibigay ko!

Ervin Santiago - July 25, 2016 - 12:30 AM

christian bautista

IPINAKILALA na rin ni Christian Bautista ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Kat Ramnani sa kanyang parents. Walong buwan na raw silang magkarelasyon and going strong pa rin daw ang kanilang pagsasama.

Nang makachika ng press ang Kapuso singer-actor matapos ang contract signing niya sa GMA recently, sinabi nitong boto naman daw ang kanyang parents sa bago niyang dyowa. Ano ang reaksiyon ng kanyang pamilya kay Kat? “She’s very fun to be with, she’s smart, she loves sports, our family loves sports.”

Ngayong 34 na siya, pine-pressure na ba siya ng kanyang magulang na magkapakasal na at bumuo ng sariling pamilya? “Wala pa naman. I think mas sa girls tinatanong yung ganun. Kaming mga boys, chill lang.” Nagkakilala nga ang dalawa sa isang mystery game group kasama ang kanilang mga kaibigan. Doon pa lang daw ay humanga na si Christian kay Kat dahil sa talino ng dalaga.

“A friend brought her. I didn’t know she was gonna come. In my head, I was thinking, ‘She’s cute.’ And then we were put in a situation where we have to solve problems as a group. Medyo nerdy, medyo geeky, and she was very good. Tapos, yun na.” Paano ba siya bilang boyfriend? “Lahat tayo may love language. Ang love language ko is service. Ibig sabihin nu’n, parang driver ako lagi.

“Service, so ibig sabihin kung meron akong time na magsundo, kung meron akong time na mag-ayos ng nasirang lock. Hindi ako masyadong gifts. More on how can I help you? Kasi ganu’n din siya,” kuwento pa ni Christian na mapapanood din sa primetime fantasy-action series ng GMA na Encantadia.

Siya ang gumaganap na Apitong, ang tumatayong ama-amahan ng prinsipe ng Sapiryan na si Ybarro played by Ruru Madrid. Hindi pa raw siya nadadalaw ni Kat sa taping ng Encantadia, “Bawal, e. Super strict.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending