Angeline pabor sa same-sex marriage: Kumikita ako sa kanila! | Bandera

Angeline pabor sa same-sex marriage: Kumikita ako sa kanila!

Alex Brosas |July 25,2016
facebook
share this

Angeline pabor sa same-sex marriage: Kumikita ako sa kanila!

Alex Brosas - July 25, 2016 - 12:10 AM

angeline quinto

PABOR  si Angeline Quinto sa same-sex marriage.

The issue was raised because her latest movie which casts her opposite Kean Cipriano, Billy Crawford, Eric Quizon and Mart Escudero, “That Thing Called Tanga Na” is a movie about gays.  “Ako po, hindi naman po ako against sa same-sex marriage. Unang-una kasi ang dami ko pong kilala na parehong lalaki, ikinasal, parehong babae, ikinasal. Saka, minsan sila pa ‘yung nag-i-invite sa akin na kumanta sa wedding nila.

“Malaking tulong naman po sila sa akin so bakit naman po ako magiging against sa kanila. Saka, willing naman po silang magbayad nang tama,” say ni Angeline na may halong pagpapatawa. “Hindi, totoo po ‘yon. May mga kilala ako, sa ibang bansa pa nga kasi di ba, sa ibang bansa ay legal po ‘yon (same-sex marriage). So, kung mahal nila ang isa’t isa, sino po ako para husgahan sila. Kung mahal nila ang isa’t isa ay ako na lang ang kumanta,” dagdag pa ng magaling na singer.

Meron ngang nag-invite sa kanya na kumanta sa isang same-sex wedding kaya lang ay hindi umubra dahil may conflict sa schedule niya, “Sayang ang dollars,” hirit pa ni Angeline.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending