Aaron Villaflor ine-enjoy lang ang pagiging single | Bandera

Aaron Villaflor ine-enjoy lang ang pagiging single

Reggee Bonoan |July 25,2016
facebook
share this

Aaron Villaflor ine-enjoy lang ang pagiging single

Reggee Bonoan - July 25, 2016 - 12:35 AM

arron villaflor

KILALANG malapit sa pamilya si Aaron Villaflor dahil kapag wala siyang trabaho ay mas gusto nitong manatili sa kanilang probinsya kung saan nakatira ang magulang at mga kapatid.

Tanda namin nang huli naming makatsikahan ang binatang aktor sa solo presscon niya pagkatapos ng programang All Of Me ay inamin nitong lagi niyang nami-miss ang pamilya. Kaya naman nang isama siya sa seryeng The Greatest Love na pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez ay talagang natuwa siya dahil tungkol sa ina at sa pamilya ang kuwento nito.

“Unang-una po ay nagpapasalamat ako dahil naging bahagi ako ng teleseryeng ito at thankful din dahil hindi po ako pinababayaan ng ABS-CBN, Star Magic and of course Cornerstone dahil hindi ako nababakante,” sabi ni Arron. Isang single dad at adik ang papel ni Aaron sa serye, “Hindi ko po kayo bibiguin sa pagganap ko sa teleseryeng ito.”

Samantala, loveless si Aaron kaya nu’ng tanungin siya sa grand presscon ng The Greatest Love ay pamilya niya ang paulit-ulit niyang sinasabi maski na anong pangungulit sa kanya ng press. Magaling na artista para sa amin si Aaron, walang problema ang production sa kanya at okay daw makisama kaya dapat ang mga katulad niya ang binibigyan lagi ng project lalo’t nakaka-deliver naman.

Sayang at hindi namin naitanong kung kumusta na ang relasyon nila ngayon ni Yen Santos na nakasama niya noon sa All Of Me.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending