Female star biglang taas ang talent fee, bantay-sarado na rin ng mga bodyguard | Bandera

Female star biglang taas ang talent fee, bantay-sarado na rin ng mga bodyguard

Cristy Fermin |July 24,2016
facebook
share this

Female star biglang taas ang talent fee, bantay-sarado na rin ng mga bodyguard

Cristy Fermin - July 24, 2016 - 12:35 AM

BLIND ITEM WOMAN 0226

PINAKAKAIN ng apdo ngayon ng ating mga kababayan ang isang female personality na ayon sa kanila ay wala pang napatutunayan pero kung makapagpakawala na ng pagpi-feeling sikat ay ganu’n-ganu’n na lang.

Napakalaki na pala ng kanyang talent fee ngayon sa mga personal appearance, samantalang pabulong lang naman siyang kumanta, ang ganda ng katawan ang ipinangbebenta niya. Kuwento ng isang source, “OA na siya ngayon, para namang ang dami-dami na niyang napatunayan kung makaporma siya! Meron na siyang mga bodyguards ngayon sa mga lakad niya, buhket?

“Nanganganib na ba ang buhay niya? Natatakot ba siyang makalmot kapag lumalabas siya? Sa totoo lang, puro lang naman ilusyon ang lahat, dahil hindi pa naman siyang kilala sa mga pinupuntahan niya! “Ano ba ang passport na ginagamit-gamit niya ngayon, di ba, ang kemerut niyang title na kaya lang naman pala niya nakuha, e, dahil sa matinding sponsor niya sa labanan?

“Magtigil siya! Hindi pa man, e, ganyan na siya? Paano pa kapag sumikat talaga siya, e, di napaka-OA na niya lalo? Magtigil siya, wala pa siyang napapatunayan!” nakairap na komento ng aming impormante. At hindi lang ang babaeng personalidad ang ginagawang pulutan ngayon ng mga bashers, pati ang kanyang madir ay pinakakain din ng apdo ngayon, dahil sa sobrang kaepalan.

“Naku, ‘no! Magsama silang dalawa! Halatang-halata tuloy na ngayon lang sila nakakatikim ng ganyang attention! Gamit na gamit din nila ang isang male personality na inlabey kuno sa girl! Nakakaawa naman ang lalaking ‘yun, masyado na siyang nagagamit! “Naku, Bradly Geuvarra, hindi lucky ang male personality na ‘yun, maligaya nga siya, pero marami namang nalulungkot para sa kanya,” napapailing na kuwento ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending