Eric Quizon na-shock sa hiwalayang Zsa Zsa Conrad: Inimbita na kasi niya ako sa kasal! | Bandera

Eric Quizon na-shock sa hiwalayang Zsa Zsa Conrad: Inimbita na kasi niya ako sa kasal!

Ervin Santiago |July 24,2016
facebook
share this

Eric Quizon na-shock sa hiwalayang Zsa Zsa Conrad: Inimbita na kasi niya ako sa kasal!

Ervin Santiago - July 24, 2016 - 12:35 AM

eric quizon

NA-SHOCK din si Eric Quizon nang makarating sa kanya na nakipaghiwalay na si Zsa Zsa Padilla kay Conrad Onglao. Lahat daw kasi sila ay looking forward na sa pagpapakasal ng dalawa kaya nakakagulat malamang hindi na ito matutuloy.

“Of course I got shocked the first time I found out kasi alam ko ikakasal na sila, eh. Iniimbita na nga niya ako, eh, ‘Oh, you’re going to my wedding.’ Sabi ko, of course count me in, sabi ko sa kanya,” ayon kay Eric nang makachika ng ilang miyembro ng entertainment media sa presscon ng gay comedy film na “That Thing Called Tanga Na” under Regal Films.

Hirit pa ng actor-director, “I never suspected anything. She seemed very happy and ‘pag nagkikita ko naman sila parang masaya naman yung relationship nila. So, I never thought that something like this will happen.”

Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang idea kung ano ba talaga ang nangyari kina Zsa Zsa at Conrad, “Hindi ko na tinanong, I mean, like I said nu’ng dapat ay mag-uusap kami kasi ang hirap din nu’ng, ‘Oh, anong nangyari?’ Parang nakikitsismis ka lang di ba sa nangyari sa buhay niya, di ba?

“But I texted her when it happened. I said, we’re just here for you. Pero ngayon, nakapag-usap na kami, tapos na,” sey pa ni Eric.

Dugtong pa ng aktor, “At this point, she never asks for advice so I guess she knows what she wants.”
Nauna nang sinabi ng Divine Diva na magpapahinga muna siya sa showbiz para sa tinawag niyang “healing process”, kaya ang sumunod na tanong kay Eric, feeling ba niya naka-move-on na ang dating partner ng kanyang tatay na si Mang Dolphy?

“I think yes and no. Kasi, you know, siyempre may pinagsamahan din sila ni Conrad. I mean, hindi mo maiaalis yon basta-basta. I think anybody would lie if that person says na, ‘Oh, after five days or after a month I’ve moved on. No, that’s not true.”

“You can probably move on and what? Para to be at peace yourself and oh, I’m dating again or I’m seeing somebody else, pero totoo ba yon? You’re just doing that because you want to like feel good about yourself. But deep inside I know they’re both hurting. So kung two years silang nagsama, so probably give Zsa Zsa a year and Conrad a year it if doesn’t work out,” paliwanag pa ng aktor.

Samantala, super excited na si Eric na mapanood ng madlang pipol ang bago niyang movie under Regal Films, ito ngang comedy spoof ng biggest hugot movie na “That Thing Called Tadhana” nina Angelica Panganiban at JM de Guzman, ang “That Thing Called Tanga Na” directed by Joel Lamangan.

Gagampanan ni Eric dito ang role ni Papa Ronnie Chui na isang rich gay lawyer na isang movie fan. Iikot ang kuwento niya sa movie nang malaman niya na ang kanyang boytoy ay kumabit din sa isang gay talent manager na mas bata sa kanya.

Ayon kay Eric, super riot ang pelikula at ang gagaling ng lahat ng kasama niya, at higit sa lahat, ang saya-saya raw lagi nila sa set kaya makikita raw ito sa kabuuan ng movie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa “That Thing Called Tanga Na” sina Mart Escudero, Billy Crawford, Kean Cipriano at Angeline Quinto.

Puring-puri rin ni direk Joel ang kanyang mga artista sa movie, “Martin is a very good actor. I’ve handled him before sa TV. First time kong idirek si Kean, and he is really a dedicated actor. Wala namang kaarte-arte si Billy, game na game siya sa lahat ng ipagawa ko. Eric naman is always competent. And si Angeline, ang galing ng timing sa comedy. May ritmo ang akting niya rito!”
Showing na ang “That Thing Called Tanga Na” sa Aug. 10 sa mga sinehan nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending