Tres Cantos nag-champion sa We Love OPM | Bandera

Tres Cantos nag-champion sa We Love OPM

Ervin Santiago |July 20,2016
facebook
share this

Tres Cantos nag-champion sa We Love OPM

Ervin Santiago - July 20, 2016 - 12:30 AM

tres cantos

WAGI ang trio nina Jovit Baldivino, Bugoy Drilon at Dominador Aviola na Tres Kantos bilang kauna-unahang grand CelebriTeam sa Grand Celebrity Sing-Offs ng We Love OPM noong Linggo sa Newport Performing Arts Theater.

Nakakuha ang grupo, na sumailalim sa mentor na si Erik Santos, ng 80.45% na combined scores mula sa public votes at score na ibinigay ng music icon na si Ryan Cayabyab. Nag-uwi ang grupo ng P2 milyon, na ang kalahati ay mapupunta sa kanilang napiling charity, ang Casa San Miguel.

Tinalo ng Tres Kantos ang Oh My Girls na binubuo nina Ylona Garcia, Krissha Viaje at Alexa Ilacad – na mi-nentor ni Yeng Constantino – na nakakuha ng 58.27% ng combined scores. Samantala, nagkamit naman ng 57.78% ang O Diva ni KZ Tandingan at kinabibilangan nina Emmanuelle Vera, Liezel Garcia at Klarisse de Guzman.

“Sobrang saya, kaba, excitement, happiness. Halo-halo, mixed emotions,” saad ni Bugoy sa isang interview matapos ang show. Ayon naman kay Jovit, “Hindi namin talaga ma-explain ang nasa loob namin. Grabe, this is the second time na naging grand champion ako at ngayon sobra talagang naramdaman ko ulit ‘yung lumalaban.”

“Sobrang nagpapasalamat ako sa bumubuo ng programang ‘to. Bakit nandito ako ngayon, utang ko sa kanilang lahat,” ani Daddy D, na nauna nang nakipagtagisan sa boses sa “Tawag ng Tanghalan”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending