Anak nina Jinggoy Estrada at Precy Ejercito 10 years old pa lang pero hanep nang mag-make up | Bandera

Anak nina Jinggoy Estrada at Precy Ejercito 10 years old pa lang pero hanep nang mag-make up

Cristy Fermin |July 19,2016
facebook
share this

Anak nina Jinggoy Estrada at Precy Ejercito 10 years old pa lang pero hanep nang mag-make up

Cristy Fermin - July 19, 2016 - 12:30 AM

jill ejercito

SAMPUNG taong gulang pa lang si Jill, ang bunsong anak nina Senador Jinggoy Estrada at Precy Ejercito, pero ngayon pa lang ay lutang na lutang na ang husay niya sa maraming linya ng sining.

Isa sa mga nakakahiligan ngayon ni Jill ay ang pagme-make-up. Minsan ay ang kanyang inang si Precy ang kinukulapulan niya ng make-up, kung minsan naman ay ang sarili niya mismo ang ang mine-make-up-an ni Jill, magaling ang kanyang mga kamay. Kuwento ni Precy, “Kung minsan nga, e, nagugulat na lang ako, ang galing-galing niyang mag-make-up, para na siyang professional! E, ten years old pa lang si Jill, napakabata pa niya.

“Pero ang galing-galing niya, artistic si Jill, masipag siyang mag-search sa You Tube ng mga style ng pagme-make-up,” proud na kuwento ni Precy. Sinadya naming igsian ang aming kolum para bigyang-daan ang mga retrato ni Jill. Siya ang nag-make-up sa kanyang sarili sa mga pictures na ito.

Napakagandang bata. Hating-hati ang features nina Senador Jinggoy at Precy Ejercito sa kanyang itsura. Bukod sa kanyang libangang pagme-make-up ay magaling ding swimmer si Jill. At napakamarespeto niyang bata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending