Bea kay Zanjoe: Hindi kami nag-away, maayos naman kaming naghiwalay! | Bandera

Bea kay Zanjoe: Hindi kami nag-away, maayos naman kaming naghiwalay!

Ervin Santiago |July 17,2016
facebook
share this

Bea kay Zanjoe: Hindi kami nag-away, maayos naman kaming naghiwalay!

Ervin Santiago - July 17, 2016 - 12:20 AM

bea alonzo at zanjoe marudo

NANANATILING magkaibigan ang ex couple na sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Limang taon ding naging magdyowa ang dalawa pero naghiwalay din due to some personal reasons.

Sa presscon ng bagong pelikula ni Bea, ang “How To Be Yours” under Star Cinema kasama si Gerald Anderson, sinabi ng dalaga na maayos silang naghiwalay ni Zanjoe kaya madalas pa rin silang magkasama sa mga lakaran.

At wala rin daw siyang nakikitang masama kung lumabas silang dalawa kasama ang kanilang common friends, “Never naman kaming hindi naging friends. It ended well. Hindi kami nag-away. Until now ay magkaibigan pa rin kami.”

Ayon kay Bea, walang third party involved sa break-up nila ni Zanjoe at wala ring naganap na matinding away sa pagitan nila tulad ng napabalita noon. Aniya, talagang nawalan lang sila ng oras sa isa’t isa at nagdesisyong mag-focus muna sa kani-kanilang career at personal lives.

Kung matatandaan, naging emosyonal pa si Zanjoe nang umamin on national TV na naghiwalay na sila ni Bea, pero nananatili pa rin daw silang magkaibigan. Nang tanungin kung posible pa bang magkabalikan sila ni Zanjoe, ang sagot ni Bea, “Hindi ko alam. Ngayon kasi talagang magkaibigan na lang kami.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending