Lola Nidora, Lolo na sa tunay na buhay; Pinasaya ang binyag ng apo | Bandera

Lola Nidora, Lolo na sa tunay na buhay; Pinasaya ang binyag ng apo

Ervin Santiago |July 17,2016
facebook
share this

Lola Nidora, Lolo na sa tunay na buhay; Pinasaya ang binyag ng apo

Ervin Santiago - July 17, 2016 - 12:20 AM

wally family

MARAMING nagulat nang kumalat sa social media ang mga litrato ni Wally Bayola kasama ang kanyang pamilya na kuha sa binyag ng kanyang kauna-unahang apo.

Yes, lolo na nga sa tunay na buhay si Lola Nidora (karakter ni Wally sa kalyeserye ng Eat Bulaga). Talagang naglaan ng oras si Wally para makadalo sa binyag ni Baby Zafira, anak ng daughter niyang si Lyza Bayola at asawa nitong si Cjay.

Ginanap ang binyagan sa last July 10 sa Le Reve Events Place, Quezon City. Tuwang-tuwa ang anak niyang si Lyza dahil nga kahit na sobrang busy ng kanyang tatay sa pagtatrabaho ay nakapunta pa rin ito sa binyag ng kanyang baby.

Sa Facebook account nga ni Lyza, nagpasalamat ito sa kanyang tatay, “Kahit sobrang busy, talagang he finds time para makipag-coordinate sa pag-organize. We love you so much!” Mismong ang mag-asawang Lyza at Cjay ang nag-organize ng party pagkatapos ng binyagan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending