Ilang artistang sumuporta kay Pangulong Rody umaasang mabibigyan ng posisyon sa gobyerno | Bandera

Ilang artistang sumuporta kay Pangulong Rody umaasang mabibigyan ng posisyon sa gobyerno

Jobert Sucaldito |July 06,2016
facebook
share this

Ilang artistang sumuporta kay Pangulong Rody umaasang mabibigyan ng posisyon sa gobyerno

Jobert Sucaldito - July 06, 2016 - 12:40 AM

mocha uson at arnell ignacio

HALA kayo, marami nang pinapatay na drug addicts at drug pusher kaya magsipagtago na kayo. Wala talang sinasanto ang bagong administrasyon. Kaya kung ako sa inyo, tigilan na ninyo ang pagsinghot ng shabu or solvent at meron talaga kayong paglalagyan. Patay kayo kay Digong.

Nakakaloka lang daw itong mga taga-showbiz na nagkampanya para kay Rodrigo Duterte dahil umaasa pala silang mabibigyan ng posisyon sa pamahalaan.  At mukhang matutupad nga ang mga pangarap nila dahil Duterte is the grateful type sa mga tumulong sa kanya. Pero sa mga kinalaban daw siya ay binebenggahan daw nito. Naku, bad iyan ha. Wala nang bengga-bengga dapat – kailangang positive.

Huwag sanang gumaya sa mga dating administrasyon na pagkatapos ng term ay tinayambakan ng mga kaso. Nakakatakot tuloy maging presidente. Pagbaba mo, kulong ka. Eiwww, di ba?
Wait lang, ano kaya ang ibibigay na posisyon kay Mocha Uson eh, sobrang epal daw nito ngayon? Si

Arnelli – saan kaya siya itatalaga? Puwede siguro siyang mag-head ng Facebook account ng pangulo – may ganoong appointment ba? Kasi napakasipag ni Arnelli sa FB. Buti na lang at na-block ko na si kafatid na Arnel sa FB, kahit mahal ko iyan, I can’t stand his posts. Masyadong OA kasi. Ha-hahaha! Basta friends kami…period.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending