Computation ng holiday pay | Bandera

Computation ng holiday pay

Liza Soriano |July 06,2016
facebook
share this

Computation ng holiday pay

Liza Soriano - July 06, 2016 - 12:10 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line at sa mga bumubuo ng inyong pahayagan. Newly graduate lang po ako at nagtapos ng kursong business management. Sa ngayon ay nagtatrabaho po ako sa isang sikat na bangko sa Makati. Gusto ko lang po sana na itanong kung ngayon po na bago na ang administrasyon ay hindi pa rin po ba magbabago ang ibinibigay na holiday pay sa mga tulad kung empleyado. Nais ko rin po sana na malaman kung magkano po ang dapat matanggap tuwing regular holiday para sa computation na dapat kung swelduhin. Umaasa po ako para sa agadang ninyong tugon. Salamat po.

Abegail Villasana

REPLY: Para sa iyong katanungan Abegail. Kahit nagbago na ang administrasyon ay pareho pa rin ang dapat matanggap ng mga manggawa tuwing regulat holiday

Ang lahat ng manggagawa na sakop ng Holiday Pay Rule ay dapat bayaran ng kanyang regular na arawang sahod (daily basic wage at COLA). Ibig sabihin, ang lahat ng manggagawa ay kailangan bayaran ng maypagawa katumbas ng 100 porsyeto ng kanyang arawang sahod kahit pumasok sa araw ng pista opisyal, subalit kinakailangan siya ay nagtrabaho o kaya ay nakaliban sa trabaho na may bayad isang araw bago sumapit ang regular holiday o pista opisyal.

Ang mangagawang pumasok sa araw ng regular holiday o pista opisyal ay kailangan bayaran ng doble o 200 porsyento katumbas ng kanyang arawang sahod.

Para sa manggagawa na nagtrabaho ng walong oras ay may dagdag na 100 porsyento sa arawang sahod na 100 porsyento o katumbas na 200 porsyento.

Kung ang regular holiday o pista opisyal ay pumatak sa araw ng pahinga ng isang manggagawa, siya ay may karagdagang 30 porsyento ng kanyang holiday pay rate na 200 porsyento o kabuuang 260 porsyento.

Kung ang regular holiday o pista opisyal ay pumatak sa araw nang Linggo, ang susunod na Lunes ay hindi holiday, maliban kung may inilabas na proklamasyon na nagsasaad na ito ay special day.

Ayon sa Executive Order No. 292 na sinusugan ng Republic Act 9849, Ang 12 regular holidays o pista opisyal ay ang mga sumusunod maliban na lang kung ito ay mabago sa pamamagitan ng paglalabas ng isang batas.

Nicon F. Fameronag
USEC for Workers
Employability &
Competitiveness of
Enterprises

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending