Hindi tinamaan ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 noong Lunes kaya inaasahan na aakyat ito sa P185 milyon sa bola mamayang gabi (Miyerkules). Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office hindi nakuha ang P180.8 milyong jackpot prize sa pinakahuling bola kung saan lumabas ang mga numero 44-14-09-26-48-33. Nanalo naman ng tig-P139,010 ang 11 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P1,480 naman ang napanalunan ng 823 mananaya na naka-apat na numero at balik ang P20 taya ng 16,811 mananaya. Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon. Mula pa noong Marso 16 walang tumatama sa jackpot prize ng Grand Lotto kaya lumaki na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.