Abu Sayyaf nagbanta na pupugutan na rin ang Norwegian hostage | Bandera

Abu Sayyaf nagbanta na pupugutan na rin ang Norwegian hostage

|July 04,2016
facebook
share this

Abu Sayyaf nagbanta na pupugutan na rin ang Norwegian hostage

- July 04, 2016 - 03:36 PM

abu-sayyaf

INIHAYAG ng bandidong Abu Sayyaf na nakatakda na rin nitong pugutan ang bihag na Norwegian na si Kjartan Sekkingstad, anumang oras kung igigiit ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza ang no-ransom policy.

“There is no more ultimatum, we are going to behead this Norwegian anytime today,” sabi ni Abu Sayyaf spokesperson Abu Rami.
Idinagdag ni Rami na isasgawa ang pagpugot matapos naman ang pahayag ni Dureza na handa ang gobyerno na makipagdayalogo sa Abu Sayyaf, bagamat iginiit na hindi magbibigay ng ransom ang gobyerno.
Nauna nang humingi ang Abu Sayyag ng P300 milyon kapalit ng kalayaan ni Sekkingstad.
Sinabi ni Rami na batid nilang nakahanda na ang ransom at ihahatid na ang pera.
Isa si Sekkingstad sa apat na dinukot mula sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte noong Setyembre, 2015.
Inihayag ni Rami ang nakatakdang pagpugot kay Sekkingstad dalawang araw matapos matagpuan ang katawan ng Canadian na si Robert Hall sa Sulu noong Sabado ng umaga.
Pinugutan si Hall matapos magwakas ang ultimatum noong Hunyo 13.
Natagpuan ang kanyang ulo sa harap ng Jolo Cathedral.
Pangalawa si Hall sa mga pinugutan ng bandido matapos namang pugutan ang kapwa Canadian na si John Ridsdel noong Abril.
Pinalaya naman ang Pinay na si Marites Flor noong Hunyo 24.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending