Di dapat masindak ang Gilas | Bandera

Di dapat masindak ang Gilas

Barry Pascua |July 02,2016
facebook
share this

Di dapat masindak ang Gilas

Barry Pascua - July 02, 2016 - 01:00 AM

WALA raw tayong pag-asa kontra sa France sa gaganaping FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Mall of Asia Arena simula sa Hulyo 5. Iyan ang pananaw ng mga eksperto sa basketball base sa komposisyon ng mga koponang lalahok sa torneo.

Matindi kasi ang lineup ng France at pinagkaguluhan nga ang mga Frenchmen nang sila ay dumating sa bansa kahapon ng madaling araw.

Bumuo ng 15-man roster si coach Vincent Collet at ang final lineup niya ay malalaman isang araw bago magsimula ang torneo.

Siyempre, ang pinakasikat na miyembro ng French team ay si Tony Parker na isang four-time champion sa National Basketball Association habang naglalaro sa San Antonio Spurs. Aba’y maraming mga Pinoy basketball fans ay nakapanood kung gaano katindi ang manlalarong ito.

Kung kayang paglaruan ni Parker ang mga manlalaro sa NBA, ano ang puwede niyang gawin kontra sa mga Pinoy sa paghaharap nila ng Gilas Pilipinas sa Hulyo 5. Magsasagupa kaagad ang Pilipinas at France sa ganap na alas-9:30 ng gabi.

Kasama ng Pilipinas at France sa Group B ang New Zealand na makakasagupa natin kinabukasan, Hulyo 6. Nasa Group A ang Senegal, Turkey at Canada. Matapos ang single round ay magkakaroon ng break sa Hulyo 8. Ang crossover semifinals ay magaganap sa Hulyo 9 samantalang ang Finals ay sa Hulyo 10.

So, apat na panalo ang kailangan nating maitala upang makadiretso sa Rio de Janeiro Olympics sa Agosto. Sa totoo lang ay maraming excited na makabalik tayo sa Olympics kung saan huling naglaro ang ating basketball team noong 1972.

Pero ang pinakamalaking hadlang nga ay ang France. Naiilang tayo kay Parker!

Dapat ay hindi tayo mailang sa kanya. Dapat na ituring natin siyang ballpen lang. E, kung ituturing natin siyang super hero, malamang na hindi nga tayo manalo.

Mabuti sana kung si Peter Parker o Spiderman siya. Talagang hindi natin tatalunin ang France. Pero normal na tao lang siya at kakayanin natin kung pipilitin.

Ang problema ay hindi lang naman si Parker ang pambato ng France. Kabilang sa 15-man roster sina Nicolas Batum, Alexis Ajinca, Nando de Colo, Florent Pietrus, Boris Diaw, Mickael Gelabale, Joffrey Lauvergne at Antoine Diot.

Ang 27-taong gulang na si Batum ay naglaro sa Charlotte Hornets nitong nakaraang season. Si Ajinca ang kanilang sentro na makakalaban ni Andray Blatche. Si Ajinca ang gitna ng French team na nagkampeon sa EuroBasket sa Slovenia noong 2013. Si de Colo ay kasama sa All-Star Five ng EuroBasket at Euroleague Final Four MVP.

Ang iba pang miyembro ng French team ay sina Rodrigue Gabriel Beaubois, Thomas Heurtel, Edwin Jackson, Charles Kahudi, Adrien Moerman at Kim Tillie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Medyo nakakasindak nga. Pero kung ituturing nating silang French Fries, aba’y lalantakan lang natin sila. Malilintikan sila sa Gilas Pilipinas!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending