Joey nakialam ba sa pagkatsugi ni Keempee sa Eat Bulaga? | Bandera

Joey nakialam ba sa pagkatsugi ni Keempee sa Eat Bulaga?

Cristy Fermin |July 02,2016
facebook
share this

Joey nakialam ba sa pagkatsugi ni Keempee sa Eat Bulaga?

Cristy Fermin - July 02, 2016 - 12:40 AM

joey at keempee de leon

NAKAKAGULAT ang rebelasyon ni Keempee de Leon na tinanggal siya sa Eat Bulaga nang hindi niya alam ang dahilan. Wala raw siyang memo, ni walang pasabi ang produksiyon sa kanya, basta inalis na lang siya sa noontime show.

Natural lang na kapag nabanggit ang pangalan ni Keempee ay ang kanyang ama agad ang maiisip ng kahit sino. Anak siya ni Joey de Leon na isa sa mga poste ng noontime show ng TAPE, Incorporated. Nandu’n pa rin si Joey, nagbibigay-aliw pa rin sa araw-araw, kahit minsan lang kaya ay hindi kinausap ng ama ang kanyang anak para tanungin kung ano’ng nangyari?

At kung totoo ang sinabi ni Keempee na inalis siya na wala siyang alam na dahilan, papayagan ba naman ni Joey na basta ganu’n na lang ang mangyari kay Keempee, bilang ama ay natural lang na kakausapin nito ang produksiyon para alamin kung ano’ng ginawa ng kanyang anak para mawala sa programa. Magaling na aktor si Keempee, mahusay rin siyang host, at kung totoo ngang tinanggal siya sa Eat Bulaga nang walang dahilan ay parang nakakalungkot naman ang ganu’n.

Kilala ang TAPE, Inc. sa pagbibigay ng trabaho sa kanilang mga artista kahit hindi na masyadong makinang ang kanilang popularidad. Hindi binitiwan ng produksiyon sina Aiza Seguerra, Konsehal Anjo Yllana at Jimmy Santos, napapanood pa rin sila sa noontime show, kaya nakakapag-isip kung ano ang nangyari kay Keempee?

Mabuti pa ang pagkawala ni Paolo Ballesteros at malinaw, binigyan ito ng memo at leksiyon, pero ‘yung kay Keempee de Leon ay nakakasorpresa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending