Lorna: Kabilin-bilinan ni Daboy huwag akong papatol sa bata!!! | Bandera

Lorna: Kabilin-bilinan ni Daboy huwag akong papatol sa bata!!!

Ervin Santiago |July 02,2016
facebook
share this

Lorna: Kabilin-bilinan ni Daboy huwag akong papatol sa bata!!!

Ervin Santiago - July 02, 2016 - 12:35 AM

lorna tolentino at rudy fernandez

PUMANAW ang award-winning action star na si Rudy Fernandez o mas kilala sa tawag na Daboy noong June 7, 2008 sa edad na 56 dahil sa sakit na periampullary cancer.

Bago ito, nag-celebrate pa ng kanilang 25th wedding anniversary si Daboy at asawang si Lorna Tolentino noong June 1, 2008. He suffered a seizure three days later pero tumanggi na siyang magpadala sa ospital. Binawian siya ng buhay sa kanilang tahanan sa Quezon City at inilibing sa The Heritage Park sa Taguig City.

Noong mga unang taon ng pagkawala ng aktor, inamin ni Lorna na nararamdaman niyang minumulto siya ng kanyang asawa, nagpaparamdam daw ito lalo na kapag may mga okasyon o party sa kanilang bahay.  “May mga time na kapag nandu’n kami sa musoleo (Heritage Park), may biglang lilipad na butterfly. Bigla na lang ‘yun lilitaw. Ang inisip ko, siguro parang gusto rin niya kaming makasama roon, sinasamantala niya ang pagkakataon na kumpleto kami.”

Bukod dito, nagpaparamdam din daw si Daboy sa pamamagitan ng mga litrato, “Kasi kung minsan, napansin lang namin sa mga litrato kapag meron kaming event, mga celebration, kapag may birthday ganyan, may makikita kaming something weird sa picture.

“Kapag may picture-taking, siyempre, di ba, kapag ganyan, kanya-kanya na kaming litrato, tapos kapag tiningnan kong maigi yung kuha, meron akong orb na nasa tabi ko. Tapos kikilabutan ka na lang. So, mapi-feel mo, parang nandu’n din siya. “Alam namin na nandidiyan lang kung sino ang nagmamahal sa amin,” ayon pa kay LT.

Alam ng aktres na kahit wala na si Daboy, palagi lang itong nakasubaybay sa kanila para sila’y protektahan. Minsan nga raw sa taping, kapag mag-isa lang siya sa dressing room o waiting area ay parang bigla na lang may taong papasok pero paglingon niya ay wala namang tao.

Ayon pa kay Lorna, “Kung anuman yung nangyayari sa buhay namin, alam ko na nandiyan siya, nakikita niya. So, hindi ko iniisip na wala siya. Siguro yung presence niya lang physically ang wala, but yung presence niya sa mind and spiritual and emotional, alam kong nandiyan siya at lagi kaming ginagabayan,” aniya pa.

Walong taon nang patay si Rudy ngunit hanggang ngayon ay single pa rin si Lorna, wala rin siyang nakarelasyon na kahit sino mula nang mamaalam ang kanyang asawa. Nagbiro pa nga si LT na baka raw biglang bumangon si Daboy sa kanyang libingan kapag nagkaroon siya ng boyfriend at nag-asawa uli. Wala rin siyang balak na makipagrelasyon sa mas bata sa kanya.

Naalala pa nga raw niya ang isa sa mga bilin ng asawa bago ito mamatay, “He told me that dating someone younger than our kids would be unacceptable. Kabilin-bilinan niya sa akin, ‘Huwag kang kukuha ng kasing-edad ng mga anak mo.’ I really pray that fate does not test me on this.”

Ang sabi pa niya sa isa naming panayam noon, “Forever na talagang gusto kong maging single na lang. Oo, nagsasalita ako nang patapos – yes!” Pahayag pa ni LT, “Unang-una, matanda na ako! Matanda na ako. Pangalawa, yung mga anak ko, siguro doon ko na lang siguro sa kanila ibubuhos ang atensiyon, panahon, at pagmamahal ko. Pangatlo, may apo na rin ako kaya ganu’n na lang.

“So, mas okey pa sa akin at mas nakakapagbigay pa sa akin ng challenge at energy yung apo ko, na makakarga ko, maipapasyal ko,” mahabang paliwanag ng award-winning actress. Matagal na raw hindi nagpaparamdam ngayon si Daboy sa kanya, kaya naniniwala siya na tahimik na ang kaluluwa ng asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending