Maine ipinagtanggol ng kasosyo ng ama: Hindi totoong nagbago na siya! | Bandera

Maine ipinagtanggol ng kasosyo ng ama: Hindi totoong nagbago na siya!

Reggee Bonoan |July 01,2016
facebook
share this

Maine ipinagtanggol ng kasosyo ng ama: Hindi totoong nagbago na siya!

Reggee Bonoan - July 01, 2016 - 01:20 AM

MAINE MENDOZA

MAINE MENDOZA

NGAYONG gabi ang grand presscon nina Maine Mendoza at Alden Richards para sa launching movie nilang “Imagine You And Me” at first time naming makakaharap nang personal ang dalawa.

Maraming nagsabing mga katoto na mabait ang dalawang prime artist ng Eat Bulaga pero may mga nagsabi ring nagbago na raw dahil sikat na.

Ipalalabas na sa Hulyo 13 ang pelikula ng AlDub at dito natin malalaman kung pwede na talaga silang tawaging certified Box-Office stars.

Pero base sa rami ng fans nina Alden at Maine ay naniniwala kaming kikita nga ito katulad din kung paano nila napuno ang Philippine Arena sa “Tamang Panahon” event ng Eat Bulaga noong Oktubre, 2015.

Anyway, kuwento sa amin ng kaibigan naming concert producer na ang asawa’y contractor at kasosyo raw sa negosyo ng papa ni Maine na isa rin palang contractor, sobrang down to earth daw ang buong pamilya ng dalaga at nananati pa ring humble kahit na sikat na sikat na si Maine.

“Maski mayaman sila as in, sobrang simple nila, kaya love sila sa lugar nila at si Maine, sobrang magalang at palabati. Kaya ‘yung sinasabing may attitude, hindi kami naniniwala kasi nakita namin ang paglaki niya,” pahayag ng kaibigan naming producer.

Anyway, napapanood namin ang trailer ng “Imagine You And Me” sa mga sinehan at nagugulat kami dahil ang daming nagre-react, huh! Ang kadalasang naririnig namin ay, “Ang ganda ng Europe, ang ganda ng pinagsyutingan. In fairness ang guwapo ni Alden, fresh at ang ganda ng mga eksena nila sa ibang bansa.”

At may humirit ding, “Light lang ang istorya, mukhang hindi naman ito pang-award.”

Aba’y oo naman, romantic-comedy ang “Imagine You And Me” at hindi namin nakitaan ng mabigat na acting ang dalawa, sana lang sa mga susunod nilang pelikula ay mag-level up na sila para hindi masabing puro lang sila pa-cute.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending