Sikat na aktor sugapa pa rin sa alak, nagpagawa ng sariling bar sa bahay | Bandera

Sikat na aktor sugapa pa rin sa alak, nagpagawa ng sariling bar sa bahay

Cristy Fermin |July 01,2016
facebook
share this

Sikat na aktor sugapa pa rin sa alak, nagpagawa ng sariling bar sa bahay

Cristy Fermin - July 01, 2016 - 12:40 AM

BLIND ITEM MAN 0220

HINDI na pinagpipistahan ngayon ang hilig sa pagmamam ng isang sikat na aktor, wala nang gaanong balita na lumalabas tungkol sa kanyang hilig sa pag-inom, kumpara nu’n na palagi siyang nakikitang halos hindi na makapaglakad sa sobrang kalasingan palabas ng bar.

May mga nagsasabi na hindi na raw umiinom ngayon ang popular at magaling na aktor, nagbagong-buhay na raw siya, dahil wala siyang napapala kundi sakit ng ulo kinabukasan dahil sa hangover.

Pero maraming kasamahan ng sikat na aktor ang nagkukuwento na wala pa ring pagbabago ang lakas niyang uminom, ganu’n pa rin siya katindi, para pa rin siyang alulod kung uminom.

Kuwento ng isang source, “Wala na nga lang nakakakita sa kanya na halos matulog na sa mesa ng bar kapag sobra-sobra na ang naiinom niya. Wala na rin ang mga eksenang kinakaladkad siya palabas ng bar dahil hindi na siya makapaglakad nang maayos.

“Wala nang nakikitang ganu’n sa kanya, pero hindi nangangahulugan na tumigil na siya sa pagnomo. Wala pa ring pagbabago ang lakas niyang uminom.

“Sobrang lakas pa rin niya, pinatataob pa rin niya ang lahat ng mga kainuman niya, pero wala ka nang makikitang ganu’n sa kanya ngayon.

“Takot kasi siyang mapagpistahan sa social media, matindi na nga naman kasi ang panahon ngayon, wala nang privacy ang mga artista. Any moment, may lalabas na lang na picture nila sa social media at pagpipistahan na ‘yun ng buong bayan.

“Kaya para safe siya, nagpagawa na lang si ___ (pangalan ng magaling at sikat na aktor) ng sarili niyang bar sa house nila. Libre siyang uminom du’n hanggang gusto niya.

“Kaya kapatid na Bradly Guevarra, let’s honor na lang his decision, maganda na nga naman ang ganu’n, para makaiwas siya sa pamba-bash,” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending