Sa ikalawang pag-aasawa yayaman at liligaya | Bandera

Sa ikalawang pag-aasawa yayaman at liligaya

Joseph Greenfield |June 30,2016
facebook
share this

Sa ikalawang pag-aasawa yayaman at liligaya

Joseph Greenfield - June 30, 2016 - 01:46 PM

Sulat mula kay Chin-Chin ng Gladiola St., Buhangin, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Ako ay may asawang sundalo at simula ng ipnanganak ko ang panganay naming anak, di na siya nagpakita sa akin. Malayo kasi ang destino ng kanyang trabaho pero noong una ay tumatawag siya at nag te-text bandang huli nawala na at napalit na din siyang cell phone. Pintuhan ko siya sa kanilang campo kung saan siya nagre-report at doon ko nabalitaan na may bago na pala siyang asawa. Wala naman akong magawa, kasi hindi naman kami kasal. Pero sabi ng superior nya kakausapin nya daw ang asawa ko para kahit na papaano ay masustentuhan ang anak namin. Sa ngayon balak kong mamasukan sa Maynila dahil may mga pinsan ako doon nagta-trabaho. Tama kaya ang pasya kong ito? Iniisip ko din na baka sa Maynila magkaroon ng pagbabago ang aking buhay at makakita ako ng tapat na lalaking hindi na ako iiwan at makakasama ko habang buhay sa pagtatayo ng masayang pamilya? February 23, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Chin-Chin ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Higit na malinaw at maganda ang ikalawang Guhit ng Pag-aasawa (Illustration 1. arrow 2.) sa kung ikukumpara sa baluktot at nabiyak na unang Guhit ng Pag-aasawa (arrow 1.). Ibig sabihin sa ikalawang pag-aasawa, tama ang iyong iniisip, higit kang mas magiging maligaya at makakasumpong ka na ng pang habang buhay na pamilya.
Cartomancy:
Tow of Diamonds, Queen of Hearts at Jack of Diamonds ang lumabas, (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking halos kasing edad mo rin ang darating, mayaman siya o may kasaya sa buhay at sa nasabing ikalawang pag-aasawa, uunlad at gaganda din ang buhay mo sa aspetong pang-materyal.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending