Horoscope, June 30, 2016 | Bandera

Horoscope, June 30, 2016

Madam Sophia |June 30,2016
facebook
share this

Horoscope, June 30, 2016

Madam Sophia - June 30, 2016 - 01:45 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Umpisahan ang araw sa pagsisimba at pagsusuot ng kulay na pula. Sa ganyang paraan sa pag-ibig at pinansyal, susuwertehin ka. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Bukod sa pula ang pink ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Bago na ang pamahalaan ngayon. Sumabay ka sa pagbabago. Disiplinahin ang sarili upang lalo pang umunlad. Sa pag-ibig, piliin ang isang Sagittarius at kahit na sinasabi nilang walang forever, tiyak na sa piling isang Sagittarius habang buhay kang liligaya. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Blue at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Pabago-bago ang lagay ng panahon kaya uso na naman ang sipon at ubo. Bigyan ng prutas na maasim ang kasuyo upang hindi siya magkasakit. Sa pinansyal laging maglaan ng pera para sa mga bagay na pang emergency. Mapalad ang 6, 6, 22, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trata-Savitra-Om.” Red at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Kung may tampuhan kayo ng minamahal, resolbahin agad bago tuluyang mawasak ang relasyon. Sa pinansyal, wag ubusing lahat ang suweldo upang hindi ka malungkot. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Beige at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Malapit ka ng magkapera ng malaking halaga, pero hindi mo ito dapat na gastusin lahat upang hindi ka mag mukhang kaawa-awa sa sandaling naubos na ang iyong pera. Sa pag-ibig, wag mag-alala mahal ka ng iyong kasuyo. Mapalad ang 4, 7, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nirayana-Om.” Gree at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Kung ayaw mong mapaki-alaman wag ding makialam sa iba. Hindi ka dapat pumasok sa mga pyramiding business, sa bandang huli ikaw din ang kaawaawa. Tandaang ang tunay na negosyo, sa unti-unting pagbebenta umuunlad at umaasenso. Mapalad ang 1, 8, 19, 22, 31, at 49. Mahiwaga mong mantra: “ Aum-Kedemel-Hagiel-Om.” Orange at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa pinansyal, habang nagpapakasipag, lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, habang nagpapakabuti lalong mas magiging maligaya ang relasyon. Mapalad ang 5, 18, 32, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” White at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Panahon na upang mag matigas at ipakita ang sariling kagustuhan. Kapag may katuwiran – ipaglaban mo! Sa ganyang attitude, mas lalo kang uunlad at mas magiging maligaya. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om.” Beige at black ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ituloy ang mga dati ng nasimulan. Sa pag-ibig patuloy na magiging maligaya ang pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Sa pinansyal ituloy ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 4, 9, 18, 34, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Nada-Vagisa-Om.” Pink at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kung gusto mong magsimula ng bagong buhay, laging tumingin sa future. Darating ang araw makaka-ahon ka rin sa mga problema. Sa pag-ibig panatiliin ang pag-ibig sa isang Leo. Mapalad ang 3, 12, 21, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Red at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi masamang tumulong, subalit kung lagi namang ikaw ang inaasahan, parang kinukunsinte mo ang mga tamad. Sa pag-ibig, ang kinabukasan ng sariling pamilya ang higit na mas mahalaga na siyang dapat mong pag laanan. Mapalad ang 6, 17, 25, 28, 46 at 49. Mahiwag among mantra: “Viola-Violae-Om.” Blue at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pinansiyal, mag-concentrate sa pagiipon ng pera, iwasan ang gumasta ng gumasta. Sa pag-ibig, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyong Libra. Mapalad ang 5, 17, 23, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Green at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa pinansiyal, manatili sa kasalukuyang pinagkakakitaan. Sa pag-ibig, hindi dapat ikonsidera ang maling advice ng mga kaibigan, wag munang makipag-hiwalay sa kasuyong sumpungin. Mapalad ang 7, 16, 23, 25, 36, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” Red at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending