F2 Logistics, RC Cola-Army makikisalo sa liderato | Bandera

F2 Logistics, RC Cola-Army makikisalo sa liderato

Angelito Oredo |June 30,2016
facebook
share this

F2 Logistics, RC Cola-Army makikisalo sa liderato

Angelito Oredo - June 30, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro ngayong Huwebes
(Cuneta Astrodome)
4 p.m. F2 Logistics vs Generika
6 p.m. Standard Insurance-Navy vs RC Cola-Army
Team Standings: Petron (3-0); F2 Logistics (2-0); RC Cola-Army (2-0); Foton (2-1); Generika (1-2); Standard Insurance-Navy (0-1); Amy’s (0-2); Cignal (0-3)

PANANATILIIN ng RC Cola-Army at F2 Logistics ang kanilang malilinis na kartada sa paghahangad sa ikatlong sunod na panalo sa pagsagupa sa magkahiwalay na kalaban sa 2016 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference women’s volleyball tournament Huwebes sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Unang magtatangka na makisalo sa liderato ang F2 Logistics Cargo Movers sa pagsagupa sa nagpapakita ng tibay na Generika Lifesavers sa ganap na alas-4 ng hapon bago sundan ng RC Cola-Army Lady Troopers na sasagupain ang Standard Insurance-Navy sa ganap na alas-6 ng gabi.

Naiwang magkasalo ang RC Cola-Army at F2 Logistics sa ikalawang puwesto sa 2-0 panalo-talong karta matapos naman okupahan ng nagtatanggol na kampeong Petron ang solong liderato matapos ang tatlong set nitong panalo kontra sa nangangapa pa rin na Cignal noong Martes, 25-14, 25-13, 25-27.

Sinimulan ng Lady Troopers ang kampanya sa pagpapabagsak sa loob lamang ng tatlong set sa batang koponang Amy’s Perpetual na sinundan nito ng isa pang straight-set na panalo kontra Cignal upang agad maipadama ng koponan ni coach Kungfu Reyes na nakabalik na agad sa dati nitong matinding kundisyon ang mga manlalaro.

“So far, I like what I’m seeing,” sabi ni Reyes, na assistant coach ng manalo ang Army ng tatlong sunod na titulo sa pagsabak nito sa PSL. “Our attacks are getting stronger, our defense is getting tighter. I like where we are now and I like where we’re headed.”

Gayunman, nangangamba si Reyes na hindi dapat magkumpiyansa ang kanyang koponan lalo pa’t makakatapat nito ang Standard Insurance-Navy Corvettes na kanilang karibal sa taunang AFP Olympics na pilit hahablutin ang una nitong panalo sa liga.

Agad nakalasap ng kabiguan ang Corvettes sa una nitong laro matapos matamo ang 26-28, 28-26, 20-25, 19-25 kabiguan kontra Generika kung kaya sasandigan ng Standard Insurance-Navy ang mga beterano nitong sina Pau Soriano, Nori Jane Diaz at Lilet Mabbayad sa laban.

“We’re very familiar with Army. We just have to match their intensity if we want to pull an upset,” sabi ni Standard Insurance-Navy coach Nene Ybanez-Chavez, na nagsilbing pundasyon ng pambansang koponan na huling nagwagi ng gintong medalya ng Pilipinas sa Southeast Asian Games noong 1993.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending