Young actor napabayaan ang sarili, tumaba at napanot | Bandera

Young actor napabayaan ang sarili, tumaba at napanot

Cristy Fermin |June 30,2016
facebook
share this

Young actor napabayaan ang sarili, tumaba at napanot

Cristy Fermin - June 30, 2016 - 12:20 AM

BLIND ITEM MALE 0624

MARAMING nanghihinayang sa kinahinatnan ng career ng isang guwapong young actor na dati’y matunog ang presensiya dahil sa pakikipagrelasyon niya sa isang young actress.

May mga nagsasabing inatake ng depresyon ang young actor dahil sa biglaang pag-alis ng kanyang girlfriend, meron namang chika na masyadong nabigatan sa kanyang mga personal na problema sa pamilya ang young actor, kaya naging mahina ang disiplina at nagpatihulog sa pagbibisyo.

Nu’ng minsang may makakita sa kanya sa isang pampublikong lugar ay nalungkot ito, ibang-iba na raw ang itsura ng young actor, halatang-halata na nagpabaya na siya sa kanyang sarili. Kuwento ng isang source, “Sayang, guwapo pa naman siya, may alam din naman sa acting, kaya nakapanghihinayang siya. Mukhang nagpabaya na siya, hindi na siya kaguwapuhan ngayon, tumaba pa siya.

“Nu’ng makita nga siya ng isang friend ko, e, halos hindi na siya nakilala. Kundi pa may nagsabi sa kanya na si ____ (pangalan ng guwapong young actor), e, hindi talaga niya makikilala ang dating poging-poging bagets na ‘yun na may girlfriend na nakakaaliw!

“Malaki na ang ipinagbago ng itsura niya, tumaba siya, nagmukhang panot pa siya, samantalang dati, e, maraming becking nag-iilusyon sa kanya!” kuwento ng aming impormante. Mas malapit sa katotohanan ang kuwentong inatake ng depresyon ang dating young actor dahil sa sinapit ng kanyang pamilya. Sunud-sunod kasi ang nangyari, nagkasakit ang isang miyembro ng pamilya nila, siya lang ang tanging inaasahan ng mga magulang at kapatid niya.

“Nakakaawa naman siya, gumanda ang buhay nila nu’n, pero biglang bumagsak, kaya siya nagkakaganyan. Talagang ikaw man, Bradly Guevarra, e, makukrungkrung din kapag nangyari sa iyo ang ganyan!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending