Jed sa basher na tumawag sa kanya ng Ate Jed: Ipagdasal na lang natin! | Bandera

Jed sa basher na tumawag sa kanya ng Ate Jed: Ipagdasal na lang natin!

Ervin Santiago |June 29,2016
facebook
share this

Jed sa basher na tumawag sa kanya ng Ate Jed: Ipagdasal na lang natin!

Ervin Santiago - June 29, 2016 - 12:30 AM

jed madela

KUNG pinatulan ni Anne Curtis ang kanyang basher, cool na cool naman ang award-winning singer na si Jed Madela sa patuloy na pamba-bash sa kanya ng mga netizen. Kahapon, nabasa namin ang palitan ng mensahe ng ilang tagasuporta ni Jed at ng kanyang bashers na wala nang ginawa kundi ang kuwestiyunin ang kanyang pagkalalaki.

May isang Twitter follower ang Kapamilya singer na tumawag sa kanyang “Ate Jed” na nagtanong pa ng, “Di ba bading ‘yan?” Na sinagot naman ng isang fan ni Jed ng, “Sinong bading? Baka ikaw?” Resbak naman ng basher, “Bobo kang hinayupak ka!” Ang sagot naman ng tagapagtanggol ng singer, “Ikaw yung bobo!! At wag mo akong tawaging hinayupak!”

Sey naman ng isa pang fan ni Jed, “Kung wala kayong sasabihing maganda, manahimik na lang kayo. Wala kayong nagagawang maganda sa kapwa n’yo. Mag-ingat kayo, digital na ang karma ngayon!” Nang mabasa ni Jed ang sagutan ng kanyang followers, sinabi nitong huwag nang patulan ang mga naninira sa kanya, “Hayaan mo ‘yan, malungkot buhay niyan. Ipagdasal na lang natin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending