Kris hinding-hindi lilipat sa GMA 7; Bagong kontrata sa ABS inaayos na | Bandera

Kris hinding-hindi lilipat sa GMA 7; Bagong kontrata sa ABS inaayos na

Cristy Fermin |June 29,2016
facebook
share this

Kris hinding-hindi lilipat sa GMA 7; Bagong kontrata sa ABS inaayos na

Cristy Fermin - June 29, 2016 - 12:20 AM

kris aquino

NASA bansa na uli si Kris Aquino, tapos na ang dalawang buwan nilang bakasyon nina Josh at Bimby, magtatrabaho na uli ang aktres-TV host sa kanyang pagbabalik.

Hindi masyadong na-miss ng kanyang mga tagasuporta si Kris dahil kahit nasa ibang bansa siya ay sige-sige pa rin ang pagpo-post niya ng mga pictures nilang mag-iina, marami rin siyang kuwento, kaya parang nandito lang din siya. May kumalat na balita na lilipat na raw sa GMA 7 si Kris, isang kuwentong nagpataas ng kilay ng mas nakararami, dahil malayo ang posibilidad nu’n.

Balitang inaayos na ng ABS-CBN ang mga gagawin niyang shows, nag-uusap na rin ang magkabilang kampo kung ilang taong kontrata ang kanyang pipirmahan, malayong umalis sa Dos si Kris. Kahit siguro bali-baligtarin si Kris ay hindi niya tatalikuran ang network na nag-alaga sa kanya nang matagal na panahon. Nagkakaroon man sila ng tampuhan paminsan-minsan ay natural lang naman ang ganu’n para mas maging maayos ang kanilang samahan.

Sabik na ang manonood sa mga bagong programang pagbibidahan ni Kris Aquino, iba naman kasi talaga siyang umatake, ibinibigay niya ang lahat-lahat kahit siya pa ang malagay sa alanganin. Isa lang ang isinasagot niya kapag panay-panay ang pamba-bash sa kanya, “E, kasi, sikat ako! Kung wala akong dating sa kanila, hindi naman nila ako papansinin!” Ha! Ha! Ha! Ha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending