Matutuloy kaya ang kasal sa 2017? (2) | Bandera

Matutuloy kaya ang kasal sa 2017? (2)

Joseph Greenfield |June 29,2016
facebook
share this

Matutuloy kaya ang kasal sa 2017? (2)

Joseph Greenfield - June 29, 2016 - 12:10 AM

Sulat mula kay Mayang ng Luhatan, Pasonanca, Zambonga City
Problema:
1. Sa next year po ay balak na naming magpakasal ng boyfriend ko. Wala namang problema dahil nasa hustong edad na kami— 25 ako at siya naman ay 28. Seaman siya kaya medyo kinakabahan din ako, iniisip ko kasing baka may iba siyang girlfriend sa barko kaya naisipan kong kumonsulta sa inyo.
2. Gusto ko lang makatiyak o malaman kung compatible ba kami ng boyfriend ko. Kami na ba ang magkakatuluyan at matuloy kaya ang kasal namin next year? At kung matutuloy, magiging successful naman kaya ang itatayo naming pamilya habambuhay? September 26, 1990 ang birthday ko at February 13, 1988 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Mayang ng Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) at Aquarius naman ang boyfriend mo ay nagsasabing compatible kayo sapagkat ang Aquarius at Libra ay may iisang elementong tinataglay – ang elemantong air o hangin. Ibig sabihin, anuman ang pag-aalinlangan mo sa kasalukuyan, tiyak na sa susunod na taong 2017 sa ayaw at sa gusto ay matutuloy ang inyong kasal.
Numerology:
Ang birth date mong 26 ay sadya ring tugma sa birth date na 13 ng boyfriend mo. Ibig sabihin, sa bandang huli, wala kayong magagawa sa itinakda ng kapalaran— kayo na nga ng boyfriend mo ang magsasama habambuhay.
Luscher Color Test:
Upang lalo pang suwertehin ang inyong pagsasama, mas makabubuting sa araw ng inyong kasal ay piliin ang motif na kulay green o kaya’y yellow. Sa ganyang paraan, patuloy na mananagana at uunlad ang inyong itatayong pamilya habambuhay.
Huling payo at paalala:
Mayang, anumang pag-aalinlangan sa iyong isipan ang gumugulo sa iyo sa kasalukuyan, tanggalin mo na iyan. Tulad ng nasabi na, wala ka namang magagawa sa itinakda ng kapalaran, kung ang initial ng boyfriend mo ay H. J. ay tiyak ang magaganap, tulad ng paulit-ulit na nasabi na, matutuloy ang inyong kasal sa susunod na taong 2017 upang minsan pa, ang bubuiin ninyong pamilya ay siguradong magiging successful at habambuhay ng magiging maligaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending