Claudine, Raymart ‘nagbalikan’ para sa b-day ni Sabina | Bandera

Claudine, Raymart ‘nagbalikan’ para sa b-day ni Sabina

Ervin Santiago |June 28,2016
facebook
share this

Claudine, Raymart ‘nagbalikan’ para sa b-day ni Sabina

Ervin Santiago - June 28, 2016 - 12:35 AM

claudine barretto

MUKHANG tuluy-tuloy na nga ang maayos na relasyon ng estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago. Natuwa ang kanilang mga kaibigan at social media followers nang kumalat sa social media ang litrato nilang dalawa kasama ang panganay nilang anak na si Sabina.

Kuha ang nasabing larawan sa 12th birthday celebration ni Sabina noong Linggo. Mismong si Claudine ang nag-post nito sa kanyang Instagram account na may caption na: “@sabina_barretto_santiago_12 Sabina’s Pool Party earlier #bestdaughterever!”

Sa IG post naman ni Raymart makikita ang ilang picture kung saan kasama niya si Sabina at ang bunsong anak na si Santino. Nilagyan niya ito ng mensaeng: “Happy birthday to my princess @sabina_barretto_santiago_12, @real_santino_b._santiago_719!”‘

Kung matatandaan, noong nakaraang linggo, nag-post din si Raymart ng litrato nila ng dalawang anak na kuha naman sa sinehan na may caption na: “Movie date..@sabina_barretto_santiago_12 @real_santino_b._santiago_719!”

Sa isang panayam namin kay Ramart, sinabi nitong natutuwa siya na kahit paano’y maayos na ang relasyon nila ni Claudine at regular na rin ang pagkikita nila ng kanyang mga anak. Pero ipinagdiinan niya na mukhang imposible nang magkabalikan sila ng nakahiwalay na asawa dahil may kani-kanya na raw silang buhay ngayon.

Ang mahalaga raw ngayon sa kanila ng aktres ay ang masiguro na magiging maganda ang kinabukasan ng kanilang mga anak at lumaking may mga magulang kahit na nga hiwalay na sila ng kanyang estranged wife.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending