Princess Punzalan na-shock sa ‘vagina repair’ | Bandera

Princess Punzalan na-shock sa ‘vagina repair’

Julie Bonifacio |June 28,2016
facebook
share this

Princess Punzalan na-shock sa ‘vagina repair’

Julie Bonifacio - June 28, 2016 - 12:25 AM

princess punzalan

VERY loyal ang aktres na si Princess Punzalan as celebrity endorser ng popular beauty skin care specialists na sina Dr. Manny and Dra. Pie Calayan. More than 20 years ng kaibigan ni Princess ang famous celebrity doctor-couple at nangangalaga ng kanyang skin.

Sixteen pa lang si Princess nu’ng first time siyang nagpa-treat sa Calayan clinic at ngayon ay turning 48 na siya sa November but still, never niyang iniwan sina Dr. Manny and Dra. Pie. Best skin care advice na ibinigay daw sa kanya ni Dra. Pie ay ang huwag masyadong kapalan ang make-up. Noong nasa 20s pa raw kasi siya, gusto niyang magmukhang matanda kaya ang kapal-kapal niyang mag-makeup.

Ngayon daw ang isa sa mga favorite treatments niya sa Calayan ‘yung pang-alis ng pigmentation sa balat. Pero na-shock lang si Princess sa sinabi ni Dr. Manny tungkol sa isa sa services na meron ang Calayan, ang Laser Vagina Repair/Tightening.

“Kaya lang ako na-shock kasi I always thought na ‘yung ganoong procedure are for the middle-aged women na nanganak na. ‘Yung parang, ‘Teka malalaki na ang mga anak ko. Gusto kong makipag-date ulit or something,’ ‘yung mga ganoon. So, it was a surprise for me na mga bata ang maraming naga-avail nu’ng treatment,” esplika niya.

Babalik na sa US si Princess kasama ang kanyang businessman hubby na si Jay at ang anak nila na si Ellie on July 8. Hindi masabi ni Princess kung kailan uli siya babalik sa bansa, depende raw ito sa kalalabasan ng negotiation niya ngayon for a possible project ulit dito sa Pinas. May trabaho rin daw kasi na naghihintay sa kanya sa US. Nurse sa isang ospital doon si Princess. Para kay princess, very challenging din ang pagiging nurse niya sa Amerika.

“It’s a totally different career. Pero it’s always nice to know that there are something else that you can do. Kung sakaling ayoko na rito, I can do something else. And besides, even if I really don’t work as a nurse anymore, malaking advantage na bilang isang ina because you would know how to take care of your family,” lahad niya.

Maraming pasyente niya sa US ang nakakakilala pa rin kay Princess at nagpapa-picture pa, “Okey lang naman sa akin. Nagugulat lang ‘yung mga non-Filipino na mga doktor saka nurses, staff, because bakit daw nagpapa-piktyur sa akin ang mga pasyente.

“Sabi ko na lang sa kanila, because I’m famous. Kapag medyo kulang ako sa oras minsan sinasabi ko sa pasyente, ‘Ah, kamukha mo si Princess Punzalan.’ Sabi ko, ‘Marami nga pong nagsabi.’ Ha-hahaha! Tapos, ‘Excuse me lang po.’ Kasi siyempre ang dami pang ibang gagawin. Pero madalas I talk to them naman,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending