Pinsan ni top NBA draft pick Ben Simmons patay sa hit-and-run | Bandera

Pinsan ni top NBA draft pick Ben Simmons patay sa hit-and-run

Dennis Christian Hilanga |June 27,2016
facebook
share this

Pinsan ni top NBA draft pick Ben Simmons patay sa hit-and-run

Dennis Christian Hilanga - June 27, 2016 - 05:34 PM
ben simmons Patay ang pinsan ni Ben Simmons, ang number one overall pick ng Philadelphia 76ers sa nakalipas na 2016 NBA Draft makaraang mabiktima ng hit-and-run sa New Jersey, USA  Sabado ng umaga, June 25 ( Sabado ng gabi sa Pilipinas). Nasawi si Zachary Simmons, 21-anyos, matapos salpukin ng isang sports utility vehicle o SUV habang tumatawid sa kalye ng Willow Avenue at Sixth street sa Hoboken. Naglalakad pauwi mula sa birthday party ng isang kaibigan ang biktima ayon sa ina nito na si Monique Steele nang siya ay masalpok. Tinatayang tumatakbo sa bilis na 70 mph ang nakadisgrasyang sasakyan na agad namang tumakas matapos ang insidente ayon sa mga pulis. Ang speed limit kung saan nangyari ang pagkakasagasa ay 25 mph lamang. Sinabi ni Hudson County Sheriff Frank Schillari na kanila nang iniimbestigahan ang ilang pirasong bahagi ng sasakyan na natanggal at naiwan sa crime scene pati na rin ang nakunang video footage ng pag-eskapo nito. Blanko pa rin ang pulisya kung ilang katao ang posibleng sakay ng SUV habang patuloy pa rin ang kanilang paghahanap sa suspek. Kasama pa si Zachary ni Ben sa ginanap NBA Draft noong Huwebes na naging emosyonal sa kanyang ipinost na larawan sa Twitter kasama ang namayapang pinsan at isang tweet na nagsasabing, ‘‘Hearing the news this morning is a reminder to never forget the important things in life” gabi matapos ang aksidente. Nakatakdang maglaro para sa Sixers ang 19-anyos, 6’10  mula Melbourne Australia na si Ben Simmons na inihahalintulad ang game style kay NBA at Cleveland Cavaliers superstar Lebron James.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending