P154M jackpot ng Ultra Lotto | Bandera

P154M jackpot ng Ultra Lotto

Leifbilly Begas |June 27,2016
facebook
share this

P154M jackpot ng Ultra Lotto

Leifbilly Begas - June 27, 2016 - 02:18 PM
lotto for site Posibleng umabot sa P154 milyon ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58 sa bola nito sa Biyernes.      Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumama sa P148.2 milyong jackpot prize sa bola noong Linggo ng gabi.      Lumabas sa pinakahuling bola ang winning number combination na 11-53-2-29-1-9.      Nanalo naman ng tig-P48,720 ang 22 mananaya na nakakuha ng limang numerong lumabas. Tig-P670 naman ang 1,265 mananaya na nakaapat na numero.      Balik naman ang P20 taya ng 20,579 mananaya na nakatatlong numero.      Ang Ultra Lotto at binobola tuwing Biyernes at Linggo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending