P163M jackpot ng Grand Lotto bukas | Bandera

P163M jackpot ng Grand Lotto bukas

Leifbilly Begas |June 26,2016
facebook
share this

P163M jackpot ng Grand Lotto bukas

Leifbilly Begas - June 26, 2016 - 03:17 PM

     lotto for site Walang nanalo sa P157.1 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola nito noong Sabado ng gabi.      Hindi natayaan ang winning number combination na 5-16-53-1-33-4.      Posibleng umabot sa P163 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto sa bola nito sa Lunes.      Sa pinakahuling bola, nanalo ng P183,870 ang walong mananaya na nakalimang numero.      Nanalo naman ng tig-P1,720 ang 684 mananaya na nakakuha ng apat na numero. Balik naman ang P20 taya ng 19,172 mananaya na nakatatlong numero.      Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.      Samantala, isang factory worker ang nanalo ng P97.1 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49.      Siya ang nag-iisang nakakuha ng mga numero 9-11-18-23-25-31 sa bola noong Hunyo 19.      Ang nanalo ay lalaki, 48 taong gulang, may-asawa at dalawang anak.      Nagkakahalaga ng P40 ang kanyang taya ng manalo.      Plano niyang magpatayo ng mga apartment at bumili ng lupang sakahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending