San Beda Red Lions rumesbak sa Letran Knights | Bandera

San Beda Red Lions rumesbak sa Letran Knights

Angelito Oredo |June 26,2016
facebook
share this

San Beda Red Lions rumesbak sa Letran Knights

Angelito Oredo - June 26, 2016 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(San Juan Arena)
12 n.n. Arellano vs UPHSD (srs)
2 p.m. SSC-R vs CSB (srs)
4 p.m. EAC vs LPU (srs)

SINIMULAN ng five-straight champion San Beda Red Lions sa tagumpay ang daan sa asam nitong “redemption” matapos agad na dungisan ang Letran Knights, 89-85, sa muling paghaharap matapos ang nakaraang taon na kampeonato sa pagbubukas ng 92nd season ng NCAA men’s basketball sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Agad na umarangkada ang Red Lions sa simula pa lamang ng laro sa pagtala ng 15-5 abante kontra Knights at hindi na nito binitiwan hanggang sa huling segundo ng laban upang agad ipadama ang pagnanais nitong makamit muli ang ilang taon na sunod nitong hinawakang korona ng liga.

Umiskor ng siyam sa kanyang 16 na puntos sa ikaapat na yugto ang rookie na 6-foot-3 Fil-Am guard mula Gabe High School sa Los Angeles, California na si Davon Potts upang bitbitin ang Red Lions na malampasan ang pagbalikwas ng Knights na nagawang lumapit sa 62-60 iskor sa pagsisimula ng ikaapat na yugto.

Nagtulong sina Potts at Radge Tongco na ilayo ang Red Lions sa 15-6 atake sa sumunod na tatlong minuto upang itatag ang 77-66 abante bago tuluyang binuhusan ng nagyeyelong tubig ang papainit na paghahabol ng Knights na huling nakadikit mula sa layup ni Jomari Sollano sa 79-82.

Una munang itinala ng Red Lions ang pinakamalaki nitong abante na 13 puntos sa ikalawang yugto, 42-29, bago na lamang unti-unting bumalikwas ang Knights na nagawang idikit ang laban sa 52-55 mula sa isang tres ni Jerrick Balanza ng Letran na hindi man lamang nakalasap matikman ang abante sa buong laro.

Samantala, nagpasalamat naman ang pamilya ng dating San Beda basketball player at kinikilalang legend na si Carlos “Caloy” Loyzaga na binigyang halaga ang kanilang ama at iniretiro ang numero 14 na ginamit nito sa kanyang uniporme sa paglalaro sa pinakamatandang liga sa bansa.

“We would like to extend our sincerest gratitude to the NCAA board of trustees, the NCAA executive committee, the NCAA community for the recognition you have bestowed to our father Carlos Loyzaga,” sabi ni Chito Loyzaga.

“Our father cherished his years as a student-athlete. He was deeply honored to represent San Beda on the NCAA court and these were his most memorable years.”

Umaasa naman ang panganay sa mga Loyzaga na magsilbi at maalala ang kanyang ama hindi lamang bilang isang inspirasyon sa batang henerasyon kundi pati na bilang “one who loved his country above his personal ambition and as one who loved his teammates as his own family.”

Sa ikalawang laro, inagaw ng Mapua Institute of Technology sa natitirang tatlong minuto ng laban ang panalo kontra sa Jose Rizal University matapos itakas ang 74-71 panalo sa ikalawang laro.

Umahon mula sa 66-69 paghahabol ang Cardinals sa huling limang minuto upang pansamantalang makisalo sa liderato kasama ang nagwagi sa unang laro na San Beda Red Lions.

Ibinigay ni Almel Orquina sa pamamagitan ng kanyang krusyal na dalawang free throws sa huling 3:12 minuto ng laro ang 71-69 abante matapos na maghabol sa halos kabuuan ng laro bago sinundan ni Allwell Oraeme ng isa pang undergoal stab para sa 73-69 kalamangan.

Pinilit pa ng Heavy Bombers na makabangon matapos na ilapit ni John Paolo Pontejos ang iskor sa 71-73.
at puwersahin ang Cardinals sa backing violation sa natitirang 25 segundo. Gayunman, nabigo ang Bombers isagawa ang maayos na atake at napilitan na magbigay ng foul sa hulng 7.3 segundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagtala si Oraeme ng 24 puntos, 17 rebounds at apat na blocks habang nag-ambag si Carlos Isit ng 17 puntos, 5 rebounds at 2 assist.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending