Baguhang male celebrity napapaligiran ng mga epal | Bandera

Baguhang male celebrity napapaligiran ng mga epal

Cristy Fermin |June 26,2016
facebook
share this

Baguhang male celebrity napapaligiran ng mga epal

Cristy Fermin - June 26, 2016 - 12:10 AM

BLIND ITEM MALE 0329

ANG nagagawa nga naman ng popularidad.

Maraming staff ng isang malaking network ang nawiwindang sa ugali ng mga taong nakapalibot ngayon sa isang bagitong male personality. Nadaanan lang ng camera ng telebisyon ang baguhang lalaking personalidad ay agad nang nagbago ang kulay ng mga taong sumasama-sama sa kanya.

Ang akala yata ng mga ito ay sikat na sikat na ang kanilang alaga, lalo na nang isalang na sa isang pictorial, kaya kung anu-ano na ang hinihingi nila sa istasyong pumatol sa may kagandahang kuwento ng binata. “Sosyalin! Ayaw na nila ng sinusundo at hatid lang sila sa malayo nilang probinsiya! Nagde-demand na ang mga kasamahan nila ng sariling sasakyan!

“Hindi na raw puwede ngayon sa kanilang alaga ang umuuwi-uwi pa sa kanilang probinsiya dahil sa dami ng work niya dito sa Manila! Nakakalorkey naman ang napakaagang kaangasan ng grupong ‘yun!” nawiwindang na kuwento ng aming source.

Nu’ng una kuno ay wala naman silang problema sa bagitong lalaki, sunod lang siya nang sunod sa ipinagagawa sa kanya ng staff, pero nang pumasok na sa eksena ang kanyang mga kamag-anak ay nagbago na ang takbo ng kuwento. “Nakooo!!!! Nakakaloka ang mga utaw sa paligid niya! Kung naka-aircon siya sa workplace niya, e, kailangang nandu’n din ang mga kasamahan niyang panggulo lang naman sa trabaho!

“Sangkaterba sila, para silang hinakot sa barangay nila sa sobrang dami! Ngayon lang kasi nangyari sa kanila ang ganito, kaya sinasamantala naman nila ang pagkakataon. “Mabait naman sana ang guy, wala lang siyang kibo, ang nagpapalutang lang ng kaangasan, e, ang mga tao sa paligid niya. Juice colored! Hindi pa naman, e, ganyan na sila!

“Bradly Guevarra, bigyan mo ng ____ juice at ____cake ang mga ‘yan!” tawa pa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending