4 na Sang-gre ng Encantadia magsasabog ng magic sa Davao | Bandera

4 na Sang-gre ng Encantadia magsasabog ng magic sa Davao

Ervin Santiago |June 26,2016
facebook
share this

4 na Sang-gre ng Encantadia magsasabog ng magic sa Davao

Ervin Santiago - June 26, 2016 - 12:15 AM

encantadia 2016

TALAGA namang walang makapipigil sa mahika ng Encantadia dahil dadayo ang mga bida ng inaabangang GMA primetime series ngayong Linggo rin sa Davao.

Buong-puwersang magpapasaya sa mga Davaoeño ang mga Sang’gre na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Glaiza de Castro para sa isang Kapuso mall show sa Gaisano Mall sa Tagum, 4 p.m.. Naroon din ang co-stars nilang sina Rocco Nacino at Ruru Madrid. Bago ang nasabing mall show, makakasama rin ng mga aktor sa Linggo ang direktor ng Encantadia na si Mark Reyes para sa isang press interview.

Patuloy ang pagtutok ng buong bansa sa nalalapit na requel ng Encantadia. Noong June 11, ipinalabas sa kauna-unahang pagkakataon ang official trailer ng programa sa TOYCON 2016 + POP LIFE FanXperience. Ipinakilala rin sa nasabing TOYCON ang mga aktor na kasama sa serye suot ang kanilang natatanging Encantadia oufit. Dito rin unang nakita ng publiko ang mga Sang’gre suot ang kanilang mga royal costume.

Libo-libong Kapuso fans ang nakisaya sa Encantadia stars noong May 21 sa Cabanatuan, Nueva Ecija para sa isang Kapuso mall show. Lalo ring pinatingkad ng mga bida ng programa ang Binatbatan Festival sa Vigan City, Ilocus Sur noong May 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending