Juancho Trivino walang arteng nag-hubo't hubad sa palengke, gulay lang ang saplot | Bandera

Juancho Trivino walang arteng nag-hubo’t hubad sa palengke, gulay lang ang saplot

Ervin Santiago |June 25,2016
facebook
share this

Juancho Trivino walang arteng nag-hubo’t hubad sa palengke, gulay lang ang saplot

Ervin Santiago - June 25, 2016 - 12:30 AM

juancho trivino

GAME na game nang maghubad at magpakita ng kanyang hunky body ang Kapuso leading man na si Juancho Trivino, ang ka-loveteam ni Louise delos Reyes sa afternoon fantasy-drama series ng GMA na Magkaibang Mundo.

Gumaganap kasing duwende na nagiging tao si Juancho sa nasabing serye at karamihan sa kanyang mga eksena ay topless siya dahil sa kanyang costume. Kaya naman talagang nagpipiyesta ang mga beki tuwing hapon kapag umeere na ang programa.

Actually, may eksena pa nga ang binata kung saan gulay lang ang nakatakip sa kanyang private parts. Imagine, ilang oras daw kinunan ang mga scenes na ‘yun sa isang palengke kung saan nagtatakbo nga siyang halos hubo’t hubad.

“Mas confident na kasi ako ngayon. At kapag confident ka kasi, mas natural na lumalabas yung mga nuances and acting pieces. Dati kasi, siyempre hindi naman malalaki ang role ko, so parang minsan mas gusto kong doon lang sa background.

“Pero alam kong mali ‘yon. Pero ngayon na binigyan na ako ng project, iba na, mas positive na ang pananaw ko sa mga bagay-bagay,” kuwento ni Juancho nang makachika namin at ng iba pang members ng press kamakailan.

In fairness, ilang taon din ang hinintay ni Juancho bago siya tuluyang nagkaroon ng sariling serye, “I believe na I was put there for a reason. Maybe GMA saw something in me. So, gagawin ko na lang yung ginagawa ko before and push to be better.”

Siyempre, hindi maiiwasan na ikumpara siya sa iba pang leading man sa GMA, lalo na sa tinaguriang Kapuso Prince na si Alden Richards. Sey ni Juancho, hindi niya makokontrol ang ganitong bagay pero aniya, “Kung iniisip ko kasi to be compared to other people, lalo lang may unwanted pressure, di ba?

“Kailangan lang talaga magaling ka sa lahat ng bagay, pagandahin ko ang katawan ko, pagalingin ko ang acting ko,” sey pa ng binata. Hirit pa niya, “Hindi naman ako nape-pressure kasi, para sa akin, gusto ko lang talaga gawin ang best ko in everything. Ipapakita ko lang talaga sa mga tao kung ano ang meron ako. Nakaka-pressure lang naman yung comparison.

“Pero kapag hindi mo iniisip ang comparison, you’re just doing your job well, hindi ka mape-pressure. Kung nagugustuhan ng mga tao, e di good. Kung hindi, e, di fine. “Basta ako, ginagawa ko ang best ko at pinapakita ko sa ibang tao,” dagdag pa ng hunk actor.

Handa rin ba siyang sa frontal nudity? “Hindi ko masabi pero I’m willing to do stuff naman. May limit naman. Lahat naman ng puwedeng gawin sa TV, kaya kong gawin. “Sa pelikula, hindi ko pa na-experience, pero siguro for the sake of art. Kapag may na-offer siguro sa akin at saka ko pag-iisipan,” sey pa ng partner ni Louise.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano naman ang masasabi niya sa komento ng ilang netizens na mas dumami ang nagpapantasya sa kanyang mga bading dahil mas delicious at mas yummy na raw siya ngayon? “Hindi naman kasi maiiwasan sa career ‘yon. Kailangan talaga ng ganu’ng factor. Siyempre, para mas marami kang puwedeng kayang gawin.”

Anyway, tutukan ang mas lalo pang umiinit na mga tagpo sa Magkaibang Mundo sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga, kasama rin dito sina Gina Alajar, Assunta de Rossi, Dion Ignacio, Isabella de Leon, Ana Capri, Balang at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending