Sunshine sobra-sobra ang hawak na ebidensya laban sa naglokong asawa | Bandera

Sunshine sobra-sobra ang hawak na ebidensya laban sa naglokong asawa

Cristy Fermin |June 25,2016
facebook
share this

Sunshine sobra-sobra ang hawak na ebidensya laban sa naglokong asawa

Cristy Fermin - June 25, 2016 - 12:35 AM

sunshine dizon

AYON sa mga impormanteng nakakausap namin na malapit kay Sunshine Dizon ay sobra-sobra pa sa mga kailangan lang ang mga ebidensiyang hawak ngayon ng aktres para sa pang-aasunto niya sa kanyang mister na si Timothy Tan.

Nagsalita na ang kampo ng lalaki, kampi ang mga ito kay Sunshine, pati ang mga magulang ng kanyang mister ay nagbigay na sa kanya ng go signal na gawin ang nararapat para ipagtanggol niya ang kanyang sarili at ang kapakanan ng mga anak nila ni Tim.

“Deny sila nang deny ngayon ng girl, ireserba nila ‘yun sa korte. Du’n na lang sila magpaliwanag, du’n na lang nila isigaw ang mga depensa nila, huwag sa iba-ibang venue!” komento pa ng isang source na nakakuwentuhan namin.

Hindi raw talaga sukat-akalain ni Sunshine na hindi na pala niya kailangan pang lumayo dahil ang babaeng tinutukoy niyang karelasyon ng kanyang mister ay nasa mismong lugar din kung saan sila naninirahang mag-iina.

“Imagine, nasa 9th floor sila, ang babae naman pala, e, nasa 12th floor lang ng condo building na tinitirhan niya at ng mga anak nila ni Tim! “Nakakaloka! Hindi man lang sila humanap ng ibang lugar para matirhan, ‘yung malayu-layo naman sana sa babaeng niloloko nila! Napakarami nang hawak na ebidensiya ni Sunshine, tingnan na lang

natin kung paano nila madedepensahan ‘yun!” dagdag na impormasyon naman ng isa pang source.
Malapit nang magsimula ang pagkikita-kita nila sa korte. Meron nang schedule ang pagdinig sa mga kasong isinampa ni Sunshine Dizon laban kina Timothy Tan at Clarissa Soriano-Sison.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending