Mga otoridad biniberipika ang ulat na may panibagong dinukot ang Abu Sayyaf | Bandera

Mga otoridad biniberipika ang ulat na may panibagong dinukot ang Abu Sayyaf

|June 23,2016
facebook
share this

Mga otoridad biniberipika ang ulat na may panibagong dinukot ang Abu Sayyaf

- June 23, 2016 - 04:17 PM

abu-sayyaf (1)

SINABI ng pulis at militar sa Western Mindanao na biniberipika pa nila ang ulat na may panibagong dinukot ang mga bandidong Abu Sayyaf.
Ayon kay Major Filemon Tan Jr., spokesperson ng Western Mindanao Command, base sa ulat na kanilang natanggap, nangyari ang pagdukot sa hangganan ng Pilipinas at Indonesia kung saan mga Indonsian national ang panibagong biktima.
Ayon sa ulat mula sa National Intelligence Coordinating Agency (Nica), pabalik na sana ang tug boat na Charles 00, na may 13 crew, sa East Kalimantan sa Indonesia matapos maghatid ng coal sa Pilipinas nang sila pagbabarilin sila ng mga armadong lalaki sa dalawang bangkang de motor at sumakay sa tug boat.
Idinagdag ng source na pito sa mga crew ang umano’y sapilitang tinangay ng Abu Sayyaf.
Ayon sa ulat ng media mula sa Indonesia, nakatawag pa ang kapitan ng tugboat sa kanyang misis at sinabing sila ay hinarang ng mga Abu Sayyaf.
Iniulat ng misis ang insidente sa mga otoridad.
Sinabi ng kapitan ng barko na humihingi rin umano ang Abu Sayyag ng P231 milyong ransom.
Pagmamay-ari ang tugboat Charles 00 ng PT Rusianto Bersaudara, na may opisina sa Jakarta, Samarinda at Banjarmasin.
Nagdadala ang kompanya ng coal sa iba’t ibang bahagi ng Asya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending