Bret naglalaway kay Jen, ikinampanya pa sa FHM Sexiest | Bandera

Bret naglalaway kay Jen, ikinampanya pa sa FHM Sexiest

Ervin Santiago |June 08,2016
facebook
share this

Bret naglalaway kay Jen, ikinampanya pa sa FHM Sexiest

Ervin Santiago - June 08, 2016 - 12:20 AM

bret jackson at jennylyn mercado

OBVIOUSLY, type na type ng hunk actor na si Bret Jackson ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado. E, kasi nga, talagang ikinakampanya niya ito para sa 2016 FHM 100 Sexiest.

Sa kanyang Twitter account, hinihikayat ni Bret ang kanyang followers na iboto si Jen para muling maging number one sa taunang botohan for FHM Sexiest. Sey pa niya sa kanyang post, “Voting for Jennylyn because…A.) I love her. B.) Help James calm down!”

Ang tinutukoy ng binata ay ang tila “violent” reaction ng kaibigan niyang si James Reid nang malamang nag-number one na ang kanyang girlfriend na si Nadine Lustre sa latest tally ng poll. Tinalo na niya si Jennylyn na nasa number two slot na ngayon.

Feeling namin, natatakot si James na magkaroon ng maraming male fans si Nadine kapag nanalo itong sa FHM Sexiest Woman, baka nga naman bigla pang maagaw ang dyowa niya dahil nga sandamakmak ng lalaki ang maglalaway at magpapantasya sa dalaga.

Anyway, hindi ito ang unang pagkakataon na nagpahayag ng kanyang paghanga sa kaseksihan ni Jennylyn si Bret. Nu’ng tanghaling Sexiest Woman ang dyowa ni Dennis Trillo last year at rumampa sa victory ng nasabing men’s magazine, isa ang binata sa mga nanood at naki-cheer kay Jen. Kaya alam n’yo na kung saan nanggagaling si Bret, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending