Daniel napamura nang bastusin habang nagso-show sa Isabela | Bandera

Daniel napamura nang bastusin habang nagso-show sa Isabela

Ervin Santiago |June 02,2016
facebook
share this

Daniel napamura nang bastusin habang nagso-show sa Isabela

Ervin Santiago - June 02, 2016 - 12:01 AM

DANIEL PADILLA

DANIEL PADILLA

BINASTOS si Daniel Padilla nang mag-show ito sa Ilagan Sports Complex sa Isabela.
May lalaking nag-F sign sa kanya at meron din daw sumigaw ng fuc** you habang siya ay nagpe-perform.

Hindi na nakatiis si Daniel at nakapagbitaw siya ng salitang “gago” na ikinagalit ng ilang fans. Ang daming nagtanggol kay Daniel sa social media.

“Hindi maiiwasan ni DJ ang magmura, syempre tao pa din nman sia hndi siya na iba sa atin. Realtalk pag nababastos tau, hndi natin mapigilan mag mura, baka nga more than pa sa pagmumura ung magagawa natin,” say ng isang fan.

“Tayong fans niya napasaya niya tayo, pero tayo kau napasaya ntin xia dhil sa kgagawan ng iba? Pagod yan, galing pa sa ibang commitment, at kinancel muna ang pagpunta sa Barcelona pra sa shooting ng movie nila ni Kathryn pra makaatend lng at pra mapasaya niya tayo. buti nga gago lng ang nsabi. Tao din poh xia nasasaktan at may pkiramdam,” say ng isa pang maka-Daniel.

“Proud of this boy!!! Hnd nya inalintala na arista cya d nya kayo papatulan tapos kayo ok lng mambastos sa knya. Since day 1 he stay true to himself.!!! buti nga gago lng inabot ng mga pakyung haters nya ehh because he knows the word RESPETO!!! Love u DJ so proud of you!!! You’re the real man!!!” say ng isa pa.

Foul nga naman ang mambastos sa isang performer. Ito ay isang malaking katarantaduhan. Malayo ang trinavel ni Daniel para makapagpasaya ng tao tapos mumurahin siya while performing on stage, sino ba naman ang matutuwa noon? Dapat sikmuraan ang guy na nagmura kay Daniel, dapat siyang turuan ng leksyon na hindi niya natutunan sa kanyang ina!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending