Bakbakang Baron-Kiko mala-pinoy action movie sa haba ng dakdakan | Bandera

Bakbakang Baron-Kiko mala-pinoy action movie sa haba ng dakdakan

Cristy Fermin |June 01,2016
facebook
share this

Bakbakang Baron-Kiko mala-pinoy action movie sa haba ng dakdakan

Cristy Fermin - June 01, 2016 - 12:30 AM

baron geisler at kiko matos

PARANG Pinoy action movie ang dating ng pag-aaway ngayon nina Baron Geisler at Kiko Matos. Hamunan sila nang hamunan, kudaan nang kudaan, bantaan sila nang bantaan.

Parang pelikulang aksiyon na bago magbarilan ay lita-litanyang sumbatan muna ang mamamagitan. “Winalanghiya mo ang pamilya ko!” sabi ng isa.  “Mas matinding pahirap ang ginawa mo sa mga mahal ko sa buhay!” isasagot naman ng isang action star na nagkukubli sa isang malaking puno.

Magpapalitan muna sila ng mga kilometrikong dayalog bago maganap ang pagbabarilan, chikahan muna bago ang paputukan, ganu’ng-ganu’n ang nangyayari ngayon kina Baron at Kiko. “Mahal kita, Kiko Matos, pero kapag nagkita tayo, bibigwasan kita! Magpakita ka sa akin!” banta ni Baron sa indie actor.

Ang sagot naman ni Kiko, “Mahal mo ako? Sige, kapag nagkita tayo, kiss kita! Sabihin mo lang kung saan and anytime, anywhere, I’ll be there!” sagot naman ni Kiko sa hamon ni Baron. Ganu’n na ganu’n. Hindi natapos ang away sa bar kung saan sinapak ni Kiko si Baron, may part two pa raw ang kuwento, hindi pa tapos ang lahat para sa kanila. Magtutuos pa raw sila uli.

Ang nagagawa nga naman ng alak sa mga taong hindi marunong magdala ng kalasingan. Ang alak ay sa tiyan inilalagay at hindi sa ulo. Huwag na lang kasing umiinom kung away lang naman ang hanap. Huwag nang magpakalasing kung hindi naman kayang dalhin!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending