‘Hoy, kahit kailan walang ginamit si Michael para lang makilala!!!’ | Bandera

‘Hoy, kahit kailan walang ginamit si Michael para lang makilala!!!’

Jobert Sucaldito |June 01,2016
facebook
share this

‘Hoy, kahit kailan walang ginamit si Michael para lang makilala!!!’

Jobert Sucaldito - June 01, 2016 - 12:25 AM

michael pangilinan

SIYEMPRE, ang first question ninyo ay kung sino itong si Erin Ocampo. Siya yung starlet na naanakan ng alaga kong si Michael Pangilinan. Medyo harsh lang ang pagkasabi ko na “naanakan” because this girl is getting into my nerves now.

Sa totoo lang, ayoko sanang maglitanya about this “just a pretty face” na babaeng ito pero parang nakakabangungot talaga ang pag-uugali nito kaya I have to say a little something for her before I go to sleep.

Dati, buwisit ako nang malaman kong nabuntis siya ni Michael dahil siyempre, bilang manager, it’s not a good item for him. Hindi pa siya stable sa kaniyang singing career that time. Pero dahil naniniwala kaming a child is always a blessing kaya hindi na lang kami nagsalita ng kahit ano.

Nagpaka-gentleman ang alaga kong si Michael, he was willing to take full responsibility as a father of the child. Kaya kinausap ko siya, I told him to save some money para pag nanganak itong si Erin ay hindi siya makaabala ng ibang tao para ibayad sa hospital bills. Hindi ito panunumbat ha, I would just like to give you an idea of who Michael is as a father to the baby boy.

Buntis pa lang si Erin ay hindi na sila in good terms ni Michael pero ginastusan na nito ang regular check-up ng babae hanggang sa manganak via caesarian sa Delgado Medical Hospital sa Kamuning. Nu’ng una ay nagyayabang pa ang pamilya ng girl na hindi nila kailangan ang tulong ni Michael pero ang ending ay wala rin pala silang pambayad sa hospital.

Michael tried to be civil with them dahil pinag-iinitan ng buong angkan niya si Michael pero ipinaglaban ni Michael ang pagiging ama sa kaniyang anak. Ganyan karesponsableng bata si Michael sa ilalim ng guidance namin ng family niya (Mommy Precy, Daddy Tony and Kuya Sam). Nang iluwal ang baby, Michael took his responsibility as a father – gatas, check-up ng bata, diapers, etcetera. After a few months ay pinabinyagan na si baby boy at doon na kami nagkaharap-harap ng pamilya nitong si Erin, her mom Emily and her stepdad. Nagkaayos kaming lahat with a promise na once in a while ay ipahihiram nila ang baby kay Michael.

Maganda, di ba? Kumbaga, inayos namin ang gusot sa pagitan nila kahit hiwalay na sila. Just for the baby kailangang bati-bati sila para lumaking positive ang bagets. Nitong mga huling araw ay nakikiusap si Michael kay Erin na hiramin ang baby dahil gusto nilang makapiling kasama ng parents niya. Sagutin ba naman siya na ayaw daw pumayag ang stepfather niya. Whaaaaat? Bakit ang stepfather niya ang magde-decide na huwag ipahiram ang bata sa ama nito? Stupid, di ba?

Sabi naman daw ng mommy ni Erin ay baka umiyak daw kasi ang baby at hanapin ang amoy ng “ama” (referring to Erin’s stepdad) dahil ito raw ang nag-aalaga sa baby pag wala sina Erin at mommy niya. Sinasabi nila ito sa mukha ni Michael kaya galit na galit ang anak natin. Nagtitimpi lang for now pero siyempre ilalaban niya ang karapatan niya sa anak niya. May amot bang dugo ang stepdad niya sa baby? Ano ‘to gaguhan?

q q q

This is the one thing na ikinagalit ko, di ba’t nag-guest si Michael sa Tonight With Boy Abunda to promote his movie “Pare, Mahal Mo Raw Ako” na nagkaroon ng premiere night kahapon sa SM Megamall. Natanong si Michael about his special friendship with singer-actress Garrie Concepcion. Ang ganda ng interbyu and I don’t know kung napanood ito ni Erin. Mantakin mo ba namang mag-tweet ito ng dalawang beses ng puro pabalang.

Ang first tweet niya ay, “SUCH A USER. KELAN KA KAYA MAGBABAGO? HA!HA!HA!HA!” na sinundan ng, “MY PAST IS NOT THAT EASY AND I DESERVE TO BE LOVED AND HAPPY NOW.”

Ang scenario kasi ngayon ay kaniya-kaniya na sila ng buhay ni Michael. May boyfriend na actually itong si Erin right now and Michael also dates his own girl and that’s Garrie nga. Pinakikialaman ba siya ni Michael para maapektuhan siya? If she’s not happy with her boyfriend now, huwag siyang mandamay.

Unang-una, wala na silang relasyon at malinaw iyon. Bakit siya nagalit kung may GF na halimbawa si Michael? And by saying SUCH A USER, teka lang! Dito ako sobrang nagalit kasi lumagpas na siya sa borderline.

I am talking as Michael’s manager at parang surrogate mom na niya dahil hindi ko ito inalagaan para bastusin at babuyin ng kahit sino sa industriyang ito. This is such a strong phrase. Sino ang ginamit ni Michael aber? Tell us. Don’t give him that picture dahil kailanman, sa loob ng almost five years na pananatili ni Michael sa industriyang ito ay never siyang nanggamit ng tao. Not even you, if I may say.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paano ka gagamitin ni Michael? People don’t even know you. Nag-iisip ka ba, girl? May isip ka ba in the first place? Forgive my ranting pero I just want to give this girl a piece of my mind.  All these years ay nagtiyaga ang alaga ko to make a little name for himself as a singer, he worked damn hard to make a little money and find a small seat sa music industry.

It wasn’t easy though pero sa awa ng Maykapal ay binibiyayaan siya ng konting suwerte. Kaya the nerve for you to say that Michael is SUCH A USER. Punyeta!  Mabait ako kung sa mabait pero mas masahol pa ako sa asong ulol pag nagalit. Not Michael, Erin darling, bakit hindi mo sabihin sa sarili mo iyan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending